Chapter 48
Sampal
Wala akong planong makipag-argumento kay Lucy kaya bago pa siya magsimula ay inunahan ko na siya sa pag-alis. Bitbit ang iilang shopping bags mula sa botique ni Yna at iilang shop na nadaanan ko kanina, matapos hubarin ang sinukat at muling makapagbihis ng suot na dress ay patay malisya akong naglakad palabas habang umuusok ang ilong ni Lucy na nagbabalak pang sumunod sa'kin.
"Argh! I said they're not together! Assumera lang ang Kylie'ng 'yon kagaya mo noon--"
I rolled my eyes somewhere while walking towards the elevator. Naiisip ko palang ang huling pag-uusap namin noon. Mga sinabi niyang pangyayari sa paggitan nila ni Eros, I'm wondering if it's really true now. Sa ginagawa niya kasi ngayon ay parang nahuhulog na nag-iimbento lang siya. I mean, sa nakita ko kay Eros at Kylie nung gabing 'yon? C'mon, don't make a fool of me.
"Hey! Aalis ka na?"
Sinimangutan ko si Kliffer na papasok palang sa botique ni Yna bago nilagpasan.
"You didn't tell me that yesterday's your daughter's birthday! Nakakatampo ka, ni hindi mo ako inimbita!" habol niya sa'kin at talagang tumabi pa. Noon ko napansin ang hawak niyang malaking paperbag at isang malaking stufftoy.
"Stop following me!" sigaw ko sa kanya bago pumasok sa loob ng elevator pero ganoon rin ang ginawa niya.
"Sus, natatakot ka lang atang makita ang love of my life mo e. Bitter ka pa no?" pang-aasar niya mula sa gilid ko.
Napairap ako sa hangin dahil sa kawalangyaan niya.
"Stop pestering me, Kliffer! Ano na naman bang kailangan mo?" hinarap ko siya at agad sinamaan ng tingin lalo na ng makita na naman ang pamilyar niyang ngisi na talaga namang nakakainis. "At ano ngayon kung hindi kita inimbita? Kailangan ba?"
Umakto siyang nasasaktan dahil sa sinabi ko. "Ouch. You're really hurting my feelings now. Alam mo ba kapag nalaman 'to ni Eros mo ha? Magiging tito niya ako! At ako ang pinakagwapo sa lahat ng tito niya kapag nagkataon! Hindi mo ba naiisip 'yon?"
"Hindi. At hindi niya na kailangan ng tito-tito na 'yan. Ni wala nga siyang ama. 'Wag ka nga!"
Agad akong lumabas pagkabukas na pagkabukas ng elevator at dumiretso sa pamilyar kong pulang kotse. Naalala ko ang bagong luxurious car ni Yna at bahagyang nainggit. I want new one too since medyo luma na nga naman 'tong sa'kin but I don't have budget for something like that now. Pag-iipunan ko nalang at ayoko namang gagastos na naman sila Mommy sa'kin. Magastos na nga sila pagdating kay Belle e, at spoiled naman ang anak ko sa kanilang lahat. Halos hindi ko na nga kailangang gumastos dahil sa mga ibinibigay palang nila, hindi ko na kailangang mamili.
Nararamdaman ko parin ang pagsunod niya pero hindi ko na siya pinansin. Pinasok ko sa backseat lahat ng paperbag na dala bago siya hinarap na nakatingin lang sa ginagawa ko.
"Dalhin mo narin 'to. This is my first gift to your child. I hope she'll like it. And I'm hoping you'll introduce me to her properly," tiningnan ko ang inaabot niyang stufftoy na pambata at isang malaking paperbag. "Price, I don't take no for an answer. Sege na. Minsan na nga lang e."
"Kapag nalaman ni Eros ang tungkol sa kanya, ikaw ang una kong sasakalin. Naiintindihan mo?" nakasimangot kong sabi sa kanya bago tinanggap ang binibigay niya. Mukhang mga gamit lang naman 'to. Hindi narin 'to kawalan sa matayog na mall na pag-aari niya.
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...