Chapter 30

750 23 0
                                    




Chapter 30


Lucy



Tama nga si Manang, naroon na sa kwarto ni Eros ang halos lahat ng gamit ko. Ang malawak niyang walk-in-closet ay halos punuin ng mga gamit ko. Mangha akong napatingin sa mga relo niyang nakahilira sa gitna sa loob ng salamin. Puro mamahalin. Naroon rin sa loob ang mga jewelries naming dalawa, mga bracelet at relo ko, earings, necklace at iba pa.

Marami rin siyang sapatos na naka-intact lang sa gilid na parang display sa mall. Katabi nito ang mga stilettos kong napakarami rin lalo na't mahilig talaga ako sa stilettos. Mga sapatos ko at flat sandals. Maayos ring nakahanger ang mga damit ko sa tabi ng rack niya, iba-iba ang ang mga long gowns, mini dress, terno, shirts at skirts.


Napangiti ako. This feels right. Mag-asawa nga kami. Nasa iisa sa lahat ng bagay.


'Di rin ako nagtagal sa loob ng kwarto niya lalo na't tinawag ako ni Manang Diyosa bago pa ako makaidlip sa malapad at malambot niyang kama na parang hinihila ang kaluluwa ko. Doon ko mas lalong naramdaman ang pagod kahit wala naman akong ginagawa. Siguro dala narin ng mahabang byahe at maggagabi narin naman kaya parang ang sarap ng matulog.


"Kumain ka ng marami! Ang payat parin ng katawan mo!" sabi ni Manang habang pinagsisilbihan ako. Lasagna lang ang niluto niya dahil ito lang ang nirequest ko. Hindi rin naman kasi ako ganun ka-gutom. "Pero pansin kong lumaki ang dibdib mo ah? Nagpaturok ka ba?" kuryuso niyang tanong habang nakatingin sa bandang dibdib ko. Nakapagbihis na kasi ako ngayon ng spaghetti top at shorts kaya medyo klaro ang cleavage ko.


Nanlaki ang mga mata ko sa kanya bago napahalakhak. "Gym, Manang! Madalas akong mag-gym dahil sa pagmomodelo!"


"Kaya pala mas gumanda ang katawan mo. Mas halata narin ang mga kurba mo, hija. 'Yan pala ang resulta niyan? Naku, nakakatamad naman kasing gawin 'yan."


"Nakakatamad talaga siya sa umpisa, Manang, pero kapag nakita mo na kasi ang resulta sa katawan mo, mas nagiging ganado ka."


"Kaya pala ang ganda ng katawan niyang asawa mo no? Madalas ko kasi 'yang naabutang nag-g-gym dun sa taas noon e. May mga kagamitan siya dun at parang ang hirap-hirap tingnan! Parang imbes na palusugin ka ay babalian ka pa ng buto! Jusko!" umiling-iling siya at tumawa habang sinasalinan ako ng juice.


Nakitawa narin ako sa kanya habang lumulunok. Inabot ko ang juice at ininuman.


"Nga pala, hija, ang sexy mo dun sa isang magazine na nakita ko. May kasama ka doon e. Lalaki. Parang nakahawak sa boobs mo."


Nabulunan ako sa sinabi niya. "W-What?"


Pero wala na akong ibang nasabi dahil inubo ako ng ilang saglit. Bahagya siyang nataranta at napasalin ng tubig bago lumapit sa'kin.

"Hinay-hinay lang kasi sa pagkain. Itong batang 'to talaga oh!" ani Manang habang pinapainom ako ng tubig. Agad kong inabot ang table napkin at pinahiran ang labi bago muling napalingon sa kanya.


"What did you say, Manang?"



Napakunot ang noo niya, mukhang nalilito at nalimutan na kung anong sinabi. "Ang ano, hija?"


"Yung tungkol sa magazine, saan niyo nakita?"

"Ah, iyon ba, sa kwarto ng asawa mo. Nakita ko nung minsang naglilinis ako. Nagulat nga ako e. Sino nga ba 'yong kasama mo dun? Ang lagkit ng tingin sayo!"


Natulala ako sa kanya. May copy si Eros nun? Alam kong alam niya na iyon pero hindi ko alam na may pinuslit siya. Hindi niya nasabi sa'kin. Pero hindi naman siya galit di ba? Isa pa, sa U.S palang 'yon nakadistribute e. Huwag mong sabihing sumadya pa siya ron para lang bumili nun?


Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon