Chapter 7

1K 26 0
                                    




Chapter 7

Abs



Nag-eenjoy ako sa paggiling ng may humawak sa beywang ko. Mas ginalingan ko pa sa pagsayaw bago hinarap ang taong parang gigil na gigil sa akin base sa paraan ng paghawak niya.


Gwapo at halatang meztiso. Malalalim ang kanyang mga matang bughaw ang kulay habang may makahulugang tingin at sexing sumasabay sa paggalaw ko. He's in his corporate attire kaya alam kong office boy to, kung hindi man amo ng isang malaking kompanya. Para kasing sa tindig niya ay hindi lang siya basta-bastang tuta kani-kanino man.


"Hi beautiful!" he greeted with his husky-playful voice.

Siguro dahil may tama narin ay hindi ko siya sinaway sa paraan ng paghawak niya sa'kin. Hinahapit niya ako palapit sa kanya kahit magkadikit na kami.

"Hello handsome!" I greeted back cheerfully, sinamahan ko pa ng landi ang tono. Siguro naman hindi masamang lumandi sa iba minsan diba? Kahit kailan naman ay hindi sila papantay sa pagtingin ko kay Eros e.


Tumaas ang isang kilay niya habang nakangisi. Shit! Pogi talaga eh? He looks dark, yet handsome! Ang tangkad niya rin dahil hanggang balikat lang ako. Parang si Eros lang.

"Mind dancing with me for awhile?" taong niya kahit kanina pa kami nagsasayaw.


"No," umiling ako habang tumatawa, napapapikit pa ang mga mata. "Of course not!"

Kahit masyadong maliit at hapit itong damit ko ay tinamaan parin ako ng init sa katawan. Maraming wild na nagsasayaw sa dancefloor na kung makagalaw ay parang pag-aari nila ang buong espasyo. Hindi nga maiwasang matalisod ako minsan e.


"Opps!" tawa ko ng matapakan ko si Steeve, ang lalaking kasayaw ko ngayon. Binangga ba naman ako ng nasa likod? "Sorry!" pasigaw kong sabi dahil sa ingay ng tugtog at ng mga tao.


Tumawa lamang siya bago ako mas lalong inilapit sa kanya. "Ang ganda mo..." bulong niya sa tainga ko. "Hmm."


Bahagya akong naasiwa sa ginawa niya kaya bahagya ko siyang tinulak palayo. Ngunit bago ko pa iyon magawa ay may sumuntok na dito dahilan para matumba ito at magkagulo ang mga tao sa dancefloor. Maraming napasinghap at nagulat. Sa hindi kalayuang gilid ay nakita ko si Yna na nanalaki ang mga matang nakatingin sa nanuntok kay Steeve bago sa'kin na hindi malaman kung anong gagawin.

"On the car, now!" sigaw nitong nanuntok kay Steeve.


Nagulat ako ng makitang si Eros ito. Nag-aapoy sa galit ang mga mata habang nakatingin sa akin at sa suot kong damit. He's wearing a grey longsleeve polo na nakatupi hanggang siko. And he looks darkly handsome now... like a wild lion na bumubuga ng apoy.


"E-Eros!" bahagya akong nahimas-masan at parang nagising sa pagiging lango.


"Ano bang problema mo, pare?" sigaw ni Steeve na katatayo palang ay manununtok rin sana pabalik kay Eros. May dugo pa ito sa gilid ng labi! Oh my god!

"Wala naman. Asawa ko lang naman 'yang sinasayawan mo, gago!" sigaw ni Ero bago umiwas at muli itong sinuntok!

"Oh my god! E-Eros! Tama na 'yan!" sigaw ko ng akmang lalapitan pa niya si Steeve para suntukin.

"Isa ka pa!" sigaw niya bago lumapit sa'kin at kinaladkad ako palabas ng bar.


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naawa ako kay Steeve na bugbog sarado na ata pero ni hindi ko man lang malapitan para makahingi ng tawad. Because I know, partly it's my fault. Hindi naman niya ako pinilit makipagsayaw sa kanya! I even enjoyed it!

Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon