Chapter 17

1.1K 29 2
                                    




Chapter 17


Patunayan


Pareho kaming natahimik dalawa. Ako, hinihintay ang reaksyon niya. Siya, hindi ko na malaman kung makakatingin pa sa akin o makakapag-salita man lang matapos marinig ang sinabi ko.

"Then that's good, then. Dahil 'yan naman ang punto ng pagpapalaya ko sayo." tahimik niyang sabi, hindi na makatingin sa'kin.

Muli akong napailing sa sinabi niya.

"N-No. Hindi ikaw ang nagpalaya sa'kin, Eros. I choose it on my own." mas lalo siyang natigilan sa mga sinabi ko.

Don't tell me he's expecting that we'll be good again like nothing happened? That I will accept him with my arms wide open? Gusto ko, pero ayoko na namang magmukhang katawa-tawa sa harap niya. My experiences with him is enough to slap me that I shouldn't hope too much when it comes to him. Because he can always hurt me even without lifting a finger.

Napabuntong-hininga ako at nag-iwas narin ng tingin sa kanya habang inaalala ang mga panahong kay dali niya akong saktan. Mga panahong sarili ko lang ang nasasandalan ko sa mga sakit na dulot ng lubos kong pagmamahal sa kanya. Hanggang sa umabot ang puntong kotang-kota na ako. Panahong masasabi kong... hindi ko na kinaya.

"Or maybe, napilitan na akong palayain ang sarili mula sayo. Dahil pinuno mo ako sa sakit." munti akong napangiti habang inaalala ang lahat. "Hindi madaling maramdamang binabalewala ka pero patuloy mong ginagawa ang lahat. Hindi madaling makita kung paanong masaya kang kapiling ang iba habang ako na ginagawa ang lahat, ni hindi mo man lang mapahalagahan. Hindi madaling makita kang may kahalikang iba, Eros. Sampal iyon sa pagkatao ko na asawa mo. Hindi mo magalaw-galaw at parang panis na pagkain kung pandirihan. Ano pa kaya 'yong makitang may katalik kang iba? H-Harap-harapan. Ano sa tingin mo ang naramdaman ko nung gabing makita kayo mismo ng mga mata ko?"

Nag-uumpisang bumigat ang dibdib ko sa mga alaalang kinubli ko ngunit ngayo'y nauungkat na naman. Gustong tumulo ng mga luha ko ngunit pinigilan ko ang sarili. Hanggang kailan ako iiyak sa kanya? Anong silbi ng paglayo ko kung muli ko na namang paiiyakin ang sarili?

"Price--"

"Hindi niyo lang pinatay ang puso ko sa pagkakadurog, walang-awang tinapak-tapakan niyo pa ito. Ang buong pagkatao ko na halos sinasamba ka na, dignidad na ako mismo ang tumapak para lang paamuhin ka." napailing-iling ako. "Handa naman ako sa buhay natin bilang mag-asawa. Kung magkamali man ako, pwede mo naman akong maturuan ng masinsinan. Handa naman akong tumanggap at matuto. Pero iba ang ginawa mo. Hindi ka nagbigay sa akin ng pagkakataon para mapatunayan ang lahat. Kusa mo akong hinusgahan, Eros. You made me learn the hard way when you can always teach me softly, without breaking my heart into pieces. And maybe I should warn you now if you really want to win me back. Because that hard way you taught, will never accept you easily now."

---

Tahimik kami ng makarating sa suite matapos ng naging usapan namin sa loob ng elevator. Hindi na siya muling nakapagsalita pa kaya hindi narin ako muling umimik. Alam ko namang matalino siya. Hindi mahirap mapagtanto ang lahat ng ginawa niya sa akin noon. Hindi basta-basta at walang naging madali.


Agad akong dumiretso sa banyo para makaligo. Wala pa akong planong maligo sa dagat ngayon, and honestly, matapos ng nangyari noon sa Cebu, parang nawalan na ako ng gana pang makihalubilo sa dagat ng hindi naiisip ang karanasan ko dito.

Malaki ang suite na nakalaan sa amin na kahit ang banyo nito'y nagiging kasinlaki ng maid's quarter namin sa bahay. May bathtub sa loob nito at jacuzzi, shower, at syempre toilet. Nakakaingganyong maglublob ngayon sa jacuzzi ngunit alam kong hindi ito ang tamang panahon lalo na't may nag-aantay sa amin sa baba para sa lunch kaya sa shower na ako dumiretso.

Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon