Chapter 26
Selfish
"Huwag kang magkakamaling humiwalay sa'kin. Maliwanag ba?" mariing bilin sa'kin ni Eros bago kami sabay na lumabas. Mahigpit niyang hawak ang kamay ko habang mabilis na naglalakad. Halos tumakbo naman ako para lang makahabol sa kanyang lakad.
Marami kaming nakasalubong na galing sa labas at pumapasok kaya nama'y palinga-linga ako at baka magkasalisihan kami ni Steeve. Ang kinang ng tubig mula sa swimming pool ay agad kong nakita mula sa gilid ng hotel pero wala ng taong nanatili roon. Gabi na at hindi rin ganun kaliwanag ang ilaw roon pati narin sa shore. Wala na akong nakikitang mga sun loungers doon na naroon tuwing maaraw. Ang mga matatayog na puno ng niyog ay mas nagpadilim sa paligid kaya hindi kita kung sa'n nagsimula ang kaguluhan.
"Do you think nandito pa si Steeve?" tanong ko ng makitang wala ng tao sa paligid dahil agad nagsipasukan sa kanya-kanyang hotel room.
"Hindi ko siya nakitang pumasok."
Wala na akong ibang taong nakikita sa labas maliban sa mga security guards na pagala-gala at hinahanap ang salarin sa nangyaring pamamaril, although hindi narin naman iyon nadagdagan. Isang beses lang ang pagpapaputok pero lahat ay natakot. Mananagot parin kung sino mang may gawa nun.
Nanliit ang mga mata ko ng parang may makita akong anino na nagtatago sa likod ng puno ng niyog. Gumagalaw. Pero ng mas tutukan ko ay parang nawala.
"Who the fuck shoot my bottle?" isang sigaw na agad kumuha ng mga atensyon namin. "I will kill that shit!"
Agad kaming napatakbo sa dalampasigan ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Tunog lango! The heck?
"Hey! You're not allowed here! Go to your suites!" Agad na sabi ng guard na naroon. Tatlo silang nag-uusap-usap roon sa lengwaheng hindi ko maunawaan pero alam kong Hawaiian.
"We're finding our friend, Sir." agad na sabi ko rito bago muling napatingin sa gilid ng may muling sumigaw.
"ARGH! THAT BITCH!"
"Still! No one's allowed to go out right now! Let us deal with this issue first!" anito bago nilingon si Eros sa gilid ko at agad nanlaki ang mga mata. "Mr. Sierro! I'm sorry I-I thought---"
"It's okay. We'll just find her friend then we'll go."
Pero halos hindi ko na marinig ang pag-uusap nila ng makita ang kalagayan ni Steeve. May hawak ng basag na bote habang pagewang-gewang ang lakad habang panay ang usal ng mura. Nakabukas pa ang floral print button-down polo niya kaya kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang katawan. Pero shit. Lasing ata siya! Paano?
"Price! You're here! Tulungan mo nga akong hanapin ang bitch na'yon! Binasag niya ang bote ko! Walanghiya!"
Nagkatinginan kami ni Eros na agad bumuntong-hininga. Pinakawalan niya ang kamay ko kaya nauna akong lumapit kay Steeve na palinga-linga na parang seryoso talagang may hinahanap. Hindi natitigil ang mura. Sa hindi kalayuan ay may bonfire pa akong nakita pero wala ng tao.
"Hey! Go to your rooms!" muli ay rinig kong sigaw ng mga security guards na naglilibot mula sa malayong gilid.
"Price! Tulungan mo ako. Pinaglalaruan ako ng babaeng 'yon! Look what she did!" ani Steeve at itinaas ang basag na bote na ngayo'y hawak niya.
"Pumasok muna tayo, Steeve. Delikado. Baka may mamaril ulit dito!" akay ko sa kanya.
"Pero kilala ko kung sinong namaril! It's the bitch!"
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...