Chapter 38
Sigaw
Ilang sandali bago ko naisipang pumasok sa loob ng bagay. Hindi ko na sana pasasamahin pa si Steeve dahil masyado na ata akong nakakaabala pero nagpumilit siya. Aniya'y gusto niyang magpakilala ng maayos ng sa ganun ay hindi kami nami-misinterpret ng mga tao.
Tahimik sa loob ng bahay ng pumasok ako. May nakita akong katulong na napadaan at bumati sa akin kaya iyon nalang muna ang tinanong ko.
"Nasa kwarto po nila, Ma'am."
Tumango ako bago nilingon ang tahimik na si Steeve sa gilid ko. Tinitingnan niya 'yong malaking frame ko sa dingding. Picture ko nung mag debut.
"Pwede po bang pagsilbihan niyo muna ang kaibigan ko? Pupuntahan ko po muna si Mommy." tumango siya kaya nilingon ko uli si Steeve. "Akyat muna ako, hintayin mo ako dito."
"Hindi ka ba muna kakain? It's already past one in the afternoon, Price." nag-aalalang aniya.
Umiling lang ako sa kanya at pagod na bumuntong-hininga. "Wala akong gana."
Sinundan niya lang ako ng tingin ng tumalikod na ako at inakyat ang kahabaan ng staircase namin. Agad akong lumiko sa master's bedroom at walang katok-katok na pumasok.
Nagulat ako ng madatnan ang nag-iisang si Mommy doon, inaayos ang mga damit at isa-isang ipinapasok sa loob ng malaking maleta. Nang mapansin niya ang pagpasok ko ay sinulyapan niya lang ako bago ipinagpatuloy ang ginagawa.
"M-Mommy." mas lalong sumakit ang puso ko sa nakita. Anong ibig sabihin nito?
"Don't worry. Magpapahinga lang ako. Pupunta ako sa Tita mong nasa Netherlands. They're expecting me to be there at the end of the month. Inuunti-unti ko lang ang pag-aayos." mahinahong aniya kahit alam kong nasasaktan rin siya sa gagawin.
"And daddy? Where's daddy? Papayagan ka niyang umalis?" I try to look around but there's no sign of daddy anywhere here.
"Huwag mo ng hanapin ang taong ayaw magpakita."
"But Mommy! A-Ayusin niyo muna 'to? Bakit kailangang umabot sa ganito?" lumapit ako sa kanya at naupo sa kama. Gusto kong pigilan ang mga kamay niyang patuloy sa pagtutupi ng mga gamit niya sa loob ng maleta. "Mommy, please... kahit para nalang sa akin. Ayusin niyo 'to."
Bumuntong-hininga siya at sa wakas ay tumigil para harapin ako ng maayos.
"Darling, kahit malakas ang taong nagmamahal, may mga panahong kailangan rin nilang magpahinga upang hindi sila tuluyang masira. Tuluyang mawala sa sarili." aniya at umiling-iling sa akin, namumula na ang mga mata. Kumunot ang noo niya, her invicible wrinkle slightly showing. "Tulad ng ginawa mo noon. Hindi ba't nagpakalayo-layo ka kay Eros bago ka pa tuluyang mawala sa sarili? Naiintindihan ko ang sitwasyon mo noon. At tulad mo ngayon na gusto akong pigilan, ginusto ko ring umuwi ka noon ng hindi kayo tuluyang magkasira. Dahil mas mabuting ayusin ang isang bagay habang maaga pa, habang may chance pa bago pa ito tuluyang lumala."
Mapait siyang ngumiti. Mas lalong sumakit ang puso ko para sa taong nagbigay ng buhay sa akin sa mundong ito at pilit na ibinibigay lahat ng gusto ko.
"Pero minsan kasi, anak, hindi naaayos ang isang bagay kapag ito mismo ang nagmamatigas. Hindi naaayos ang isang tao kung siya mismo hindi tumutulong sa sarili niya." may tumulong luha sa mga mata niya na agad niya ring pinahid. Bahagya siyang ngumiti kahit umiiyak narin ako sa harap niya. "I love your daddy. Very much that I am willing to do anything for him. I always adore him for his principles in life. Kasi alam mo 'yon? Hindi siya mayaman noon pero ginagawa niya ang lahat para sa mga mahal niya sa buhay. I always see him as the man who can also fight for me in times like this. But he always failed to do that."
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...