Chapter 56
Things
"Dederetsuhin na kita. Alam kong may anak kayo ni Cupid pero hindi na kayo magkakabalikan! Layuan mo na siya!"
Tinitigan ko lang si Lucy na nagdadrama sa harap ko. Monday morning, ginulat niya ako ng sadyain niya ako sa kompanya para lang kausapin tungkol dito.
"Eros is mine! He's going to be mine! Malapit na! Kung hindi ka lang dumating, kami na sana ngayon!"
Nag-iilusyon ba 'to? Or worst, naka-droga ba siya? Bakit niya inaangkin si Eros na mukha namang walang pakialam sa kanya? Kung si Kylie siya, baka maniwala pa ako.
Ilang araw siyang ganun. Babalik-balik sa kompanya para lang sayangin ang oras ko sa ipinaglalaban niyang wala namang basehan. Konting-jonti nalang, iisipin ko ng baliw siya. Sa tagal ng panahong wala ako dito, kung totoo ang sinasabi niya ay dapat matagal narin itong nangyari!
That's why after three days of her continuous visit, I banned her from going inside. Naaabala na ako sa ginagawa niya na wala namang ibang sinasabi kundi pagbawalan ako kay Eros na madalas ko ring nakakasama pagdating sa condo niya.
"I'm warning you, Price. Hindi nagdadalawang-isip si Lucy'ng gawin kung anong sinasabi niya. It's a friendly advice for you, and girl, she has a gun," ani Hailey na naaalala kong kaibigan ni Lucy. Siya ang bumisita sa akin kinahapunan ng huwebes. Hindi ko na kailangang magtanong para alamin kung sinong nag-utos sa kanya. It's obvious.
"You know what? I don't care! Can you two just leave me alone? Hindi ba siya maka-gets na pina-ban ko siya para tantanan niya na ako? If she really wants Eros, bakit hindi ito ang suyuin niya imbes na ako? Sa tingin niya ba kapag iniwan ko ito magiging sila? Is she crazy? Matagal akong nawala pero naging sila ba? Tss," iritang sabi ko na bago siya dere-deretsong tinalikuran para bumalik sa pwesto ko.
It's been a week since then. Thankfully, huminto naman ang dalawa sa pangungulit sa akin. Naka-leave si Eros sa trabaho dahil gusto niyang makasama muna si Belle na pinayagan naman nina Mama Hera. Though madalas, dinadalaw nila ako sa trabaho gaya ngayon.
It's friday and they're already here, waiting for me so we can have lunch together. I accepted the bouquet of rose he give. It turns out na siya pala iyong palaging nagpapadala sa akin ng bouquet dito sa opisina pati sa bahay.
Rinig na rinig ko na ang palihim na mga tikhim nina Cass habang pinagmamasdan kami. Pambihirang katahimikan ang namayani sa paligid matapos nilang batiin si Eros sa pagpasok palang nito.
"May tatapusin pa ako," sabi ko sa kanya habang mariin niya akong pinagmamasdan, binabalewala ang paligid.
Tumango siya. "I'll just tour our daughter around while waiting."
Iyon nga ang ginawa nila. Habang may tinatapos pa akong trabaho ay hinintay nila ako habang nagtitingin-tingin sa paligid.
"Sabi ko na nga ba, mukhang sa balikan rin ang bagsak niyo," siko sa akin ni Wendy matapos nilang makalayo.
Tinawanan ko nalang siya dahil nagmamadali ako. Magha-half day ako ngayon kaya minamadali ko ang trabaho.
"Nakakainggit! Ang gwapo na ng asawa, ang ganda pa ng anak! Ang ganda-ganda talaga ng baby mo!" tili ni Cassandra habang pinagmamasdan sina Eros at Belle. "Pero mas bet ko parin ang asawa mo! Hihihi! Ang swerte!" humagikhik siya.
Napailing nalang ako.
Halos lahat ng mga mata ng narito, nasa mag-ama ko na. Halos hindi na makapagtrabaho ang iba kakatingin sa kanila. Dinumog sila pero mayroon paring distansya. Takot parin sila kay Eros na kung noon hindi ko alam ang dahilan, ngayon alam na alam ko na.
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...