Chapter 37

665 20 3
                                    


Chapter 37

Ayusin


Talagang hinintay kong wala na si Eros sa bahay bago bumangon. It's already saturday. Kagabi ay muling nagtext si Mama Hera sa'kin para paalalahanan ako sa magiging pagkikita namin ngayon sa isang cafe hindi kalayuan dito sa'min.

Simpleng above the knee white dress nalang ang isinuot ko, hermes scarf in case na makilala ako ng mga tao, at malaking itim na shades. Gusto kong flat sandals nalang ang suotin pero naisip ko ring kung uuwi man akong talunan dito, hinding-hindi ko pagmumukhaing basahan ang sarili. I will come back with pride and honor, whatever happen.

Nauna akong dumating sa cafe at dahil maaga pa naman at hindi pa ako kumakain sa bahay, umorder nalang muna ako ng cheesecake at espresso na makakain habang nagbabasa ng isang magazine. Panay ang baling ko sa cellphone incase na magtext siya at sa relo para tingnan ang oras. Ang sabi niya'y around nine thirty ng umaga, may fifteen minutes pa bago ang eksaktong oras.

Unknown Number:

Price, this is Steeve. Where are you?

Nagulat ako ng makita ang text na ito.

Ako:

Nasa Pilipinas, Steeve. Bakit?

Bahagya akong natawa. Nawala lang ang tawa ko ng makitang local ang numerong gamit niya. Ibig sabihin, nandito na siya sa Pinas.

Steeve:

Alam ko, gaga. I mean nasa'n ka ngayon? Nasa'n ba ang bahay niyo? Hindi mo naman siguro gugustuhing galugurin ko pa ang Pilipinas para mahanap ka no?

Ako:

Oh my god! Nandito ka na sa Pinas?

Ngunit agad ring nawala ang excitement ko ng makita si Mama Hera na papasok. Agad niya akong hinanap at pinuntahan. Dali-dali ko namang itinext nalang kay Steeve ang exact location ko ngayon bago inilapag ang cellphone sa tabi ng bag ko. Napatingin pa si Mama Hera dito bago pinansin ang pagtayo ko.

"Good morning, Mama." pormal kong bati sa kanya. Akmang hahalik ako sa kanya ng pigilan niya ako gamit ang kamay.

"Skip the formalities, Price." aniya bago naupo sa tabi ko at lapag ng bag niya.

"A-Alright." sabi ko kahit bahagyang nasaktan sa ginawa niya. Naupo nalang din ako sa upuan at tahimik na napahinga ng malalim.

Agad na may lumapit na waiter sa kanya pero sinenyasan niya lang itong hindi siya magtatagal. Napatingin nalang ako sa sariling pagkain na hindi pa natatapos.

"Marami akong naririnig na balita sa iyo nitong mga nakaraang araw. Totoo ba lahat ng iyon?" deretsahan niyang tanong habang deretso ring nakatitig sa'kin.

Halos hindi naman ako makatingin ng deretso sa kanya.

"H-Hindi, Mama."

"You mean to say, those pictures were edited? It doesn't seem like that to me. They look real."

Doon na ako napatitig sa kanya. She's cold. I wonder why. Is it because she already like someone else for Eros? Gusto kong matawa sa lahat kahit ang sakit ng puso kong kahapon pa pinipiga sa lahat ng ito. Wala na bang katapusan ito?

Pero sinong niloloko ko? Matatapos lang naman ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon kung pakakawalanan ko na si Eros. My dream come true... that seems a failure now.

"What if totoo nga 'yon?" lakas-loob na hamon ko sa kanya. Wala na akong paki. Total, kahit anong gawin kong pagpapakabait ang galang ngayon, balewala na 'yon lahat sa kanya. You can't easily change someone's made up mind.

Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon