Chapter 14

1K 32 1
                                    



Chapter 14

Cupid



"Wala na bang mas magandang balita pa dito? Ba't parang kinakalawang naman tayo?" nahilot ko ang sintedo ng muli na namang marinig itong paulit-ulit na sinasabi ng sekretarya ko ngayon.


"S-Sir, kasi, parang laos naman ata 'yong nakuha nating modelo ng bagong jewelry design na inilabas. Kaya po tayo napagkakamalang nangongopya lang ng design at humihina ang market place." kabadong sabi ni Darna na hawak pa ang malaking tiyan na para bang makakapanganak pa ata siya ng wala sa oras.

Isang buwan nalang at kabuwanan na niya sa pagkakaalam ko. Sinabihan ko na siyang magpahinga muna hanggang makapanganak ngunit ayaw naman niyang magpapilit. Kaya pa naman daw niya. At ayaw niyang walang ginagawa sa bahay nila kaya nama'y pinagbigyan ko nalang. May kasama naman siyang pamangkin niya na kaka-graduate lang ng business course na siyang hahalili kung sakaling mag-leave nga siya ng ilang buwan. Ito rin ang dahilan kaya hindi pa siya umaalis, kasalukuyan niya itong tinuturuan ng mga gawain niya para kung sakali ay maalam na ito sa mga gagawin kung wala na siya.

Bahagya kong kinalma ang sarili at iniwasang mabunton sa buntis kong kaharap ngayon ang galit na kanina pa kumukulo sa loob ko. Shit! Wala akong naiisip na solusyon sa napaka-simpleng problemang ito! Ni hindi ko namamalayang ganito ang nangyayari sa kompanya! Masyado akong okupado these past few days... or make it months!

"Ano bang problema sa mga modelo natin? Kung luma na'y ba't di nalang palitan? As simple as that! Contact the best agency who can provide us a good one! 'Yong hindi tayo nagmumukhang gold-digger!"


"E paano ba naman kasi? Masyadong distracted 'yong mga modelo natin tuwing nandun kayo sa set! Imbes na mag-focus sila sa pag-iisip ng paraan para mas mapaganda 'yong performance nila at tangkilikin 'yong binibida nila, mas nagfofocus sila sayo at kung paano kayo susuyuhin para maikama niyo sila! Hindi niyo ba nakikita 'yon?" parang maiiyak ng paliwanag ni Darna sa harap. "Sa inyo po hayuk 'yong mga babae kaya tayo nagmumukhang gold-digger na mga papansin! Masyadong pabebe ang mga lumalabas na pictures! Mukhang 'yong mga dede nila ang binibenta imbes na 'yong produkto natin!"


"Then eliminate them all and find another one! A good one this time! Suyuhin mo nalang 'yong pamangkin mong papalit sayo kapag nanganak ka na. Para hindi ka masyadong ma-stress at baka..." tiningnan ko ang tiyan niya para magbigay ng punto. "... makapanganak ka ng wala sa oras." Napabuntong-hininga ako.

Dahan-dahan siyang tumango at nakahinga ng maluwang. "Alright, Sir."

Akala ko'y aalis rin siya agad sa harap habang pilit kong itinutuon ang pansin sa patong-patong na papeles sa mesa na kailangang aprobahan. May meeting pa akong kailangang puntahan ilang oras mula ngayon hanggang mamayang hapon. Kailangan kong pilitin ang sariling bumalik sa dati at ng may matapos-tapos naman akong trabaho habang naghihintay rito.


I'm distracted, I admit. Nitong mga nakaraang buwan, parang habang lumilipas ang mga araw ay nawawalan ako ng gana sa lahat. Tinatamad na akong gumising sa umaga na parang walang pinagbabago. Nag-iisa pa ako.

"What?"

"If you don't mind me asking, Sir, bakit hindi nalang po si Maam Price ang ayain nating mag-modelo ng mga bagong labas na jewelry set natin, Sir? Nakita ko po kasi 'yong shampoo commercial niya sa ibang bansa, ang taas ng rating! Ang gaganda rin ng feedback!"


"Hindi shampoo ang ini-endorse natin, Darna." nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Pero, Sir, hindi niyo ba nakikita ang mga pictures ni Maam sa isang magazine? Grabe, ang hot ni Maam dun! Ang ganda ng katawan niya! Bumenta nga agad 'yon e! Parang kinulang pa nga ata! Ang sexy kasi talaga ni Maam habang lingerie lang 'yong suot. Ang ganda ng cleavage, ang kinis ng likod... bagay nga sila nung si ano e, Steeve ba 'yon? Mabenta 'yong magazine na pinagbibidahan nila--"


Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon