Chapter 19

1K 29 12
                                    


Chapter 19

Halik

Nasa isang yate kami ngayon, ginaganap ang shoot na kaming dalawa na talaga. Libo-libong bultahe ang nararamdaman ko habang nagkakatitigan kami na wari'y mahal na mahal ang isa't isa. Awkward. Iyan ang nararamdaman ko ngayon matapos ng naging pag-uusap namin kahapon. It didn't turn out well. Alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko at huli na ng mapagtanto ko iyon.

Sumosobra na ba ako? Porke't nasaktan niya ako noon, kailangan ko narin ba siyang saktan rin ngayon upang makaganti? Anong makukuha ko rito? Satisfaction?

But it didn't feel like it. Bakit kahit nakikita kong nasasaktan siya, nasasaktan rin ako? Nasa'n ang satisfaction doon?

Malalam ang mga mata ko habang nakatitig sa madidilim at malalalim na kanya. Ang isang kamay ko'y nakahawak sa abs niya, ang isa nama'y nasa braso niyang nakapulupot sa'kin habang nakasandal sa barandilya. Pareho kaming naka-swim wear habang kinukunan sa iba't ibang anggulo. Mayroon iyong nakataas ang parehong kamay ko habang nasa beywang ko ang mga braso niya. Iyong alsa niya ako habang tumatawa kaming dalawa. Nagsu-swimming sa dagat. Lahat sweet. Pero hindi ang tunay na kalooban namin.

"Eros, saan ka natulog kagabi?" malumanay kong tanong sa kanya sa gitna ng ginagawa namin. Hindi ko kasi siya napansing umuwi sa suite naming dalawa matapos naming mag-dinner ng tahimik.

"I have my own room." tipid niyang sagot bago tumalima ng pabaguhin kami ng porma.

"But I thought we are sharing the same room?" kunot-noong naitanong ko sa kanya ng muling magkataon.

"Kumuha ako ng isa." muli ay tipid niyang sagot.

Ilang siya sa'kin, 'yan ang napapansin ko sa mga ikinikilos niya ngayon.

Tiningnan ko lang siya ng bigyan kami ng break at agad siyang umalis sa harapan ko. Parang may kumurot sa puso ko dahil sa ginawa niya. Lalo na ng makita kong pumayag siyang magpapahid ng pawis kay JM na siyang-siya naman sa ginagawa. Ano bang gusto niyang mangyari? Bakit ganito siya? Akala ko ba babawi siya sa'kin?

"Galit ka ba sa'kin? Dahil sa mga nasabi ko?" muli ay tanong ko sa kanya ng mapag-isa kami.

Tipid lamang siyang ngumiti bago nagtaas ng kilay. Magkadikit ang ilong namin at halos ganun narin ang mga labi namin. Marahan ang haplos ng kanyang isang kamay sa'king buhok habang ang isa nama'y nasa aking beywang. Ang mga kamay kong nasa kanyang matigas na dibdib ay halos nakakuyom na dahil sa tensyong nararamdaman ko ngayon.

"Hindi, Price. Don't think too much." sagot niya.

Ngunit paano ko hindi iisipin iyon gayong kapansin-pansin talaga ang pag-iwas niya sa'kin?

Mas lalo kong napatunayan ang lahat ng maging sa lunch ay hindi siya sumabay sa'kin kaya nama'y sina Tess at JM ang nakasama ko. Kakaibang panibugho sa dibdib ang naramdaman ko na halos guluhin ko lang ang pagkaing nakahain sa harapan. Maingay ang dalawang kasama at nagtatawanan ngunit wala akong makuhang nakakatawa sa mga pinag-uusapan nila. Gusto kong maiyak dahil sa nararamdaman ngunit pinigilan ko ang sarili. Hindi na ako kailanman umiyak mula ng iwan ko siya, bakit ngayon iiyak na naman ako? Dahil lang narito siya? Dahil hindi na naman niya ako pinapansin?

"Huy, Price! Anong nangyayari sayo diyan?" tanong ni Tess na hindi ko sana papansinin. Pareho sila ni JM na nakatingin sa akin ngunit hindi katulad niyang nakakunot ang noo ay nakangisi naman si JM sa'kin habang umiinom ng juice.

"Wala." nag-iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa.

"Wala? Talaga lang ha? Kung hinahanap mo si fafa Eros, 'wag kang mag-alala dahil kumain na sila ni Mama A kanina kasama ang iba."

Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon