Chapter 2
Glare
Dali-dali akong pumwesto sa lamesa ng marinig ang pagbaba ni Eros sa hagdan. Lunes ngayon ng umaga at alam kong sa opisina na ang buong araw niya ngayon habang ako nama'y narito lang buong araw sa bahay sa kadahilanang ayaw akong pagtrabahuin ng aking mga byenan para raw sa paghahanda ng pagbubuntis ko.
Ngunit paano ako mabubuntis nito?
I practice my seductive smile to greet my husband. Nakatukod ang dalawa kong kamay sa likod habang ang isa kong paa ay sinadya kong itapak sa lamesa para iyuko ang tuhod in a sexy way. Ang isa ko namang hita ay hinayaan kong nakaladlad habang suot and pinakamaikli sa shorts ko. Iyong tipong isang hawi lang, tanggal na.
I giggled at that thought. Alam kong pupunta siya rito dahil nandito si Manang Dyosa, ang tagapagsilbi naming galing mismo sa bahay nila.
"Manang Dyosa--" natigilan siya ng makita ako sa ibabaw ng lamesa. Kumunot ang noo niya ngunit kitang-kita ko kung paano siyang napalunok habang sinusuyod ako ng tingin. "What are you doing?"
I give in my sweetest smile, like usual. "Good morning, baby! Anong gusto mong kainin ngayon? Manang Dyosa or me?"
Tumawa si Manang Dyosa sa likod ko na abala sa pagluluto habang hindi naman nawala ang kunot sa kanyang noo.
"Manang Dyosa, sa opisina na po ako kakain. It seems like the table has a germs here."
Napaayos ako sa pagkakaupo sa lamesa. "What? What germs are you talking about, Eros?"
"Obviously, you. Dinudungisan mo ang inocente kong lamesa." He smirk.
Napanganga ako sa kanya. I wonder if he can still say that if he'll started taking me here. In any position!
I shake my head at him in contrast of what he's saying. "You don't know what you are talking about, Eros. Baka isuka mo 'yang sinasabi mo ngayon kapag nakuha mo ako sa ganoong posisyon?!"
Akala ko magugulat siya. Pero hindi. Patuloy siyang ngumisi na para bang hindi na nakakagulat na ganito ako. "Mas isusuka ko ang paghawak sayo, Price. You don't even look tasteful. Your chest is flat. Sure, you have a butt, but would it be soft? Surely, not!" Singhal niya sa mukha ko na mas nagpalaki ng mga mata ko.
He's insulting my butt! Gusto niya bang ipahawak ko ito sa kanya para malaman niyang mas malambot pa ito sa tinapay?
"You just want to touch it, don't you? Kaya ka bigay todo sa pang-iinsulto diyan!"
"No, thanks. I'd rather have a peaceful breakfast in my office. And you, you should have help Manang Dyosa prepare the foods instead of posing like a lechon at the table. Buti sana kung kasing sarap ka ng lechon." Nakakainsultong aniya bago kami tinalikuran.
I knew it! Siya ata ang umubos sa lechong binili ko noong birthday niya e!
Pero ano daw? Mukha akong lechon?
"Aba't, excuse me lang ha? Kung 'yong lechon kailangan pang sunugin para sumarap, ako hindi! Dahil kahit wala akong ligo mabango ako, Eros! Masarap pa sa lahat ng masarap!" Sigaw ko kahit rinig kong nakalayo na siya.
Muling tumawa si Manang Dyosa sa likod ko kaya sa kanya ako napatingin.
"Ano ba kasing ginagawa mo diyan sa ibabaw ng lamesa, hija? Baka malasin kayo niyan? Pagkain lang dapat ang nilalatag diyan." Natatawang aniya na ngayon ay hinahanda na ang umagahan namin.
Kumunot ang noo ko sa kanya. "Bakit, Manang? Hindi ba ako mukhang pagkain? Kung tutuusin nga ay mas masarap pa ako diyan e!" Kumuha ako ng tinidor at tinusok ang isang malaking pulang hotdog na hinanda niya. "Pakipot lang talaga 'yang alaga niyo. Akala niya ata siya ang mawawalan ng virginity. Tse!"
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...