Chapter 44
Sino?
My mom wants me to undergo caesarean section but I want normal delivery. Ang sakit-sakit manganak na parang maiisip mong hindi na uli magpapabuntis. But who am I kidding? As if naman mabubuntis pa ako ngayon.
Sa kabila ng napakasakit na pinagdaanan ko ay worth it naman ang lahat, makita ko palang ang magandang mukha ng anak ko. Wala si Steeve at Yna ng makapanganak ako pero agad silang bumisita ng makaluwag-luwag sa sched nila. Naiintindihan ko namang busy silang tao at kung tutuusin nga ay dapat hindi na sila nag-aabala pang pumarito. Ang gastos ng ginagawa nila kaya talaga namang naa-appreciate ko ang ginagawa nilang pagdalaw sa'kin.
"She's so beautiful, Price! Oh my god!" tili ni Yna ng makita si Baby Belle. "What's her full name?"
"Belleza Aurie O. Alhara." sabi ko habang isinasayaw si Baby Belle. "You can call her Belle for short. Say hi to tita Yna, baby!" kunwari ay ginalaw-galaw ko ang maliit na kamay niya na ikinatuwa ni Yna.
"Oh my god! Oh my god! Pwede bang kargahin ko siya?"
"Sure." dahan-dahan kong inabot sa kanya si Baby Belle. Napatayo naman si Lares at agad umalalay.
"Do you know how to?" tanong ni Lares kay Yna.
"Of course. Don't worry." ani Yna at agad nag-ngising aso sa'kin. "Para siyang ama."
"I'm just worried." depensa ni Lares sa kanya.
Naiintindihan ko naman siya. Madalas silang mag-alala sa'kin kaya mas napapadalas sila dito. Sila ang umaalalay sa'kin kahit nandito rin naman si Mommy. Minsan pa nga siyang nag-offer na bigyan ako ng yaya na agad ko ring tinanggihan lalo na't may yaya narin kami dito galing sa bahay nina Bragi.
"Huwag kang madada dahil kahit anong gamitin mo ay maiintindihan ka niya." tawa ko kay Yna bago sinilip si Steeve sa likod niya na mukhang natulala na sa anak ko. Magkasabay silang dumating ni Yna kanina.
"Talaga ba? Kapag sinabi ko bang..." ani Yna na nagtataas ng kilay ngayon kay Lares na mukhang iritado sa kanya. "Mura kag naibog niya, halata kaayo ka, naiintindihan niya ba 'yon?"
"Tss. Huwag kang mag-bisaya dahil kahit ako hindi nakakaintindi sayo. Mukha kang alien."
"Magandang alien naman." aniya bago sumayaw-sayaw habang humihikab sa mga braso niya si Baby Belle. "You're so pretty, baby. Manang-mana kay Ninang."
Natatawang napailing nalang ako sa kanya. Nang makuntento naman si Lares sa pagkakahawak ni Yna sa baby ay naupo narin siya at may sinagot na tawag sa cellphone kaya bahagyang lumayo sa'min.
"Feeling. Bakit, ikaw ba ang gumawa niyan? Kung makasabi ka naman ng mana sayo." sarkastikong ani Steeve sa kanya bago tumingin sa'kin. "She should be Belleza Aurie Alhara Sierro."
"Noon 'yon. Hindi ngayon."
"Paano kapag nalaman ni Eros 'to?" nag-aalalang aniya. "Oo, maganda ang anak mo at babae, pero kita mo naman, sweetheart, mukhang balat mo lang ang namana."
Tama siya sa sinabi niyang 'yon. Unang tingin ko palang kay baby Belle noon, si Eros na agad ang naisip ko lalo na't mata niya palang, kuhang-kuha na nito. Pati ilong at labi, manang-mana.
Noong mga unang araw ni Belle dito, kahit natutulog siya ay halos hindi ko siya matitigan. Naaalala ko ang ama niya at kung minsan, hinihiling ko pang sana ay nandito siya at sabay naming inaalagaan ang bata.
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...