Chapter 47

723 20 2
                                    



Chapter 47

Wrong Idea


"Ah, 'yon ba? 'Yon rin ang alam ko e. Akala ko may asawa na siya." tumawa ng tumawa ng mag-isa si Kliffer. Nang mapansing niyang walang sumasabay sa kanya ay saka niya inayos ang sarili. He cleared his throat before speaking again. "Well, that's not a big deal right? You're happy with Kylie now. Isn't that enough?"



Gusto kong batukan si Kliffer. He's saying nonsense things now to cover up what he have probably done. Pero kaya niya ba nalaman dahil pumupunta nga siya dun? At kaya rin kumakalat na may asawa ako dahil sa kanya? What the... e isa pala siyang napakalaking chismoso e! Kalalaking tao!




Agad ko siyang pinandilatan ng mapatingin siya sa akin. Nginisihan lang ako habang umiinom ng alak niya.




Ilang sandaling katahimikan pa uli ang namayani sa amin bago iyon putulin ng isang tawag mula sa cellphone ni Kliffer. Ang cellphone niyang nasa lamesa na tumutunog sa isang tawag ay kumikinang rin ngayon mula sa magulong mga neon lights ngunit kitang-kita parin ang mukha kong tulad ng sinabi niya ay naka-wallpaper.



Nanlaki ang mga mata ko at agad napatingin kay Eros na ngayon ay kasalukuyang pinaglalaruan ang dulo ng baso niya. Nang tingnan niya ako ay kitang-kita ko ang galit at disgusto niya. Halos manginig ako sa takot ng mariin niya akong tingnan bago mag-iwas ng tingin at deretsong ininum ang nasa loob ng baso niya.




"Opps. Excuse me, I have to answer this call," natatawang ani Kliffer na nanunuya pang humalik sa pisngi ko ng hindi nagpapaalam!



"Kliffer!" saway ko pero nakatayo na siya. Ni hindi ko alam kung narinig niya o ng kung sino man dahil sa ingay ng paligid.



"Ang sweet naman ni Kliffer. Bagay kayo," sarkastikong sabi ni Kylie sa'kin.


Nang tingnan ko siya ay nang-uuyam ang tingin niya.




"So this is your plan, huh? You need to break it up with me so you can explore other men?"


"Anong sabi mo?" nag-igting ang bagang ko sa sinabi ni Eros.



Nakangisi siyang lumingon sa akin pero wala akong mabasa sa mukha niya.



"Ganito ba ang ginagawa mo sa labas ng bansa, Price? Kaya ba parang..." tiningnan niya ang postura ko mula ulo hanggang paa. Natural akong maputi at mas lalo pang pumuti sa ibang bansa kaya nama'y litaw na litaw ang ganda ko sa itim na mini dress. At dahil sa cut nito, alam kong kitang-kita mula sa kinaroroonan niya ang maliit kong baywang."... hiyang na hiyang ka?"




Agad nagpanting ang tenga ko sa narinig. Sinasabi niya bang napapakasarap lang ako sa ibang bansa? Anong alam niya?



"Are you trying to insult me here?"



"Hindi, Price. Nagsasabi lang ng totoo si Cupid. Mukha kasing... nag-eenjoy karin sa kaibigan niya. At talaga namang kaibigan niya pa ang pinatulan mo ha?" nagtaas ng kilay sa akin ang bruhilyang si Kylie.




Nanginginig ako sa galit ngayon. Wala silang alam sa nangyari sa akin pero kung husgahan nila ako ngayon, para bang hindi sila nag-eenjoy sa kalayaang ibinigay ko. Kung hanggang ngayon mag-asawa parin kami, sa tingin ba ng Kylie'ng ito hahayaan ko siyang maging ganyan kalapit kay Eros?



Hindi, malamang. Dahil kung hindi ako nakapagpigil sa kanya noon, baka hanggang ngayon kalbo siya.



Imbes na ipakita ang poot ko, sarkastika ko siyang nginitian. "Bakit hindi, Kylie? Kailangan bang magmukmok ako mula sa mga sakit at pait na dinanas ko dito hanggang doon? Hindi ba't parang sumusobra naman ata ako sa sarili ko?"



Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon