Chapter 50

853 21 2
                                    

Chapter 50

Chance


It wasn't that hectic of a week for me, yet it's kinda tiring. Friday ng yayain ako ng mga kasamahan kong sumama sa kanila sa isang nightout. May ginaganap na meeting sa itaas kaya wala ang head namin ngayon dito. Kinuha nila itong pagkakataon para makapag-usap-usap habang wala pang ginagawa.

I smiled kindly while shaking my head. "Hindi ako pwede e."


"Oh, come on! You're single now, right?" taas-kilay na ani Cassandra. Isa siya sa mga taong narito na madaling maka-close dahil sa approachable niyang pag-uugali.

"Oo, bakit? May irereto ka?"


"I think you don't need that! Parang isang pa-kyut mo lang, ang dami ng lalapit sayo e. Maybe you're just too uptight? Kaya sege na! You can't move on when you're this way!"

"Oo nga naman, Price. Ano nga palang nangyari sa inyo ni Mr. Sierro? Ba't bigla kayong naghiwalay?" pang-uusisa ni Wendy. "Nakakahinayang kayo e. Alam mo 'yon? Kapag tinitingnan ko kayo noon ay parang ang perfect-perfect niyo sa isa't isa. Ang gwapo niya, nakakakilig at ang sarap sarilinin. Ang ganda mo rin, bagay kayong dalawa! Narinig ko nga model ka raw. At na-isyu karin noon e."

"Hindi naman bago ang break-up sa mundo diba?" nakangiting tanong ko sa kanila.

Pareho silang napanganga sa'kin.

"Wow, girl! E ang swerte mo nga sa kanya e! Don't tell me ikaw ang nakipag-hiwalay?" ani Cass.

"Ikaw ba, Price? Pero sabagay, e ano kung gwapo nga, mayaman at lahat na pero hindi ka naman masaya?" Wendy.

"Hindi masaya? Hindi ka masaya, Price? Bakit? Hindi ba malaki?" nanlalaki ang mga matang ani Cass. OA pa siyang napahawak sa bibig niya.

"Anong hindi malaki? Bibig mo talaga, Cassandra! Sa ganda ng tindig ni Sir? Braso palang, malaki na. 'Yon pa kaya?" Halakhak ni Wendy.

Gusto kong makitawa sa kanila but thinking of them, fantasizing him irritate me a bit. But it's not like I can stop them from liking him when I also do the same for a long time. At sa tagal na panahon ko na siyang ipinilit sa sarili ko, narealize kong hindi siya gamit na pwede kong angkinin. Hindi siya isang bagay na pwede kong bilhin kapag nagustuhan ko. He's something that I can never afford to have, kahit gaano pa siguro ako kayaman o kahit gaano ko pa isiping bagay kaming dalawa. I sighed.

Hindi na bago sa akin ang kaalaman nila. Hindi tago ang kasal namin ni Eros at syempre, my father's the owner of this company so it's not really a secret.

Pinaglaruan ko ang hawak na lapis sa kamay habang napapangiti ng masaklap. "Don't tell me, gusto niyo siya?"

Sabay naman silang napangisi sa'kin ng mag-angat ako ng tingin. Ano pa nga bang bago?


"Well, hindi naman kami bulag. Nakikita namin siya ng maayos," pangangatwiran ni Wendy. "Noong madalas pa siya dito, ang sungit tingnan pero ang gwapo, Price! Kaya nga ang swerte mo e! Natikman mo!"

"Ghad! I can only imagine how hot Mr. Sierro is. I mean just look at his perfect body? And his face? Nakakamatay! Kahit hindi mo sabihin sa akin ay alam kong masarap siya!" tili naman ni Cass. "Kung ako ang nasa lagay mo noon? Aba kahit mambabae siya ng sandamakmak, basta't ako ang may dala ng last name niya! No worries! Basta't sa akin ang bagsak niya!"

Napangiwi ako sa kalandian ni Cass. 'Yan rin ang naiisip ko noon e. Bahala na kung hindi niya ako gusto, basta't ako ang asawa niya, kuntento na ako.

Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon