Kapag nakaabot ka dito, salamat sa pagbabasa!
***
Chapter 60
Love
"Women these days strive to be more beautiful, may it for their selves, for their special someones or loveones, or both. But most of them often wants their jewelries simple yet elegant to look at. Like me," I smiled at the board who's seriously listening to me now.
Eros grinned and played with his lips as he looks at me intently. Gusto kong kabahan sa presensya niya pero ang isiping ni hindi nga siya na-offend sa mga pinaggagawa ko noon, ngayon pa kaya? Ngayon pang pwede niya na akong ipagmalaki? Not that he's not doing it these days, though. Hindi naman talaga siya nahihiyang kasama ako. Kahit nandiyan ang anak namin, hindi siya nahihiya sa mga nakakakilala sa kanyang dala ito. Ipinapakilala pa nga niya.
"We don't need to exactly forget those extravagant one, but through these designs that I created years ago, I want us to work for some elegant jewelries that most women wants. That could make them more beautiful and catchy, yet not too luxurious to look at."
"So you're saying that you created these designs a long time ago, Mrs. Sierro? Bakit ngayon mo lang ito inilabas?" Tanong ng isang board na medyo matanda at mukhang strikto pero nakangiti naman sa akin. Tumingin pa siya kay Eros na ni hindi man lang iniiwas ang tingin sa akin mula pa kanina.
"Bacause at that time po kasi, wala po ako dito at tahimik lang na pinag-aaralan ang kompanya mula sa malayo... for personal issues."
"Paano ka nakakasiguro na patok parin ito hanggang ngayon kung noon mo pa pala ito ginawa, then?" Tanong ng isa pang board na may edad narin. Ngunit 'di kagaya ng isa kanina, hindi siya mukhang masungit tingnan pero mukhang siya ang mas strikto.
May kanya-kanya na silang copy sa mga designs na tinutukoy ko sa harap nila pero mas pinipili parin nilang tingnan ang presentation ko sa harap matapos ng ilang sandaling pag-scan dito. May ibang tumatango na kanina hindi paman nagsisimula, may iba namang mas gusto paring makinig para makapag-desisyon.
"Don't worry, I've already done my research before actually presenting it now. Lahat ng set designs na nandiyan, I already made sure that even when I created it years ago, it could still fit these days. And even for years."
"Ah, actually, siya rin 'yong nag-design sa iilang ni-launch natin noon. Pumatok naman diba?" Tawa ni Daddy.
Agad namangha ang iilan ng tumingin sa akin. I smiled. Hindi naman sa ipinagmamalaki ko 'yon pero 'yong mga designs ko kasi noon na ipinapakita ni Mommy kay Daddy nila-launch rin pala nila at agad na pumapatok.
"As long as the Sierro's on our side, pumapatok talaga ang lahat ng ila-launch nating designs. Kasi alam nilang maganda talaga ang pagkakagawa nun!" Nagmamalaking ani nung mukhang striktong nagtanong rin sa akin kanina. Malaki ang ngiti niya kay Eros na agad nawala ang ngiti dahil sa sinabi niya.
Napatikhim si Eros kaya agad bumaling sa kanya ang lahat.
"I don't think so. This company can stand alone without ours. It's already credible. And people don't necessarily rely on who's name is more trustworthy. Mas mahalaga parin ang designs kahit na kanino pa itong kompanya galing."
Marami ang tumango sa sinabi niya. Kahit ako. Pero tingin ko mahalaga parin ang pangalan sa iilan. People often rely to those trusted ones. 'Di hamak naman na mas nasa uso ang sa kanila at sabay sa takbo ng teknolohiya. Pero may mga loyal narin naman sa kompanya kaya naniniwala akong pumapangalawa man kami sa kanila, hindi parin ito basehan para hindi tagkilikin ang designs namin na credible rin naman.
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...