Chapter 36

634 20 2
                                    



Chapter 36


Past



Walang nakapagsalita matapos ang mapait na tanong ni Mommy. Umuuga na ang balikat ni Mommy ng muli ko siyang tingnan. Umiiyak siya. Habang si Daddy naman ay halos hindi na makatingin sa kanya.

Ano bang ibig nilang sabihin doon? Anong iisang tao?

"Ano? Ikinahihiya mo na ang anak mo sa babaeng gustong-gusto mo noon? Nahihiya ka dahil anak mo siya, ha?" muling sabi ni Mommy na gumagaralgal ang boses.


Kahit gusto kong isipin ng mabuti kung anong ibig niyang sabihin sa mga sinasabi niya ngayon ay hindi ko na nagawa dahil mas nahabag ako sa itsura niya. Inayos ko ang sarili bago ko siya nilapitan at niyakap.

"Shhh, Mommy."


"What are you talking about, Prestilla? Huwag mong ibahin ang pinag-uusapan natin dito. Wala itong kinalaman doon." matigas na sabi ni Daddy.


"Pero hindi iyon ang nakikita ko sa mga ipinapakita mo e. Gusto ko mang baliwalain pero hindi ko rin kayang pabayaan ang anak ko. You're too obvious. And your obviousness hurts me, if you don't know that." nanghihinang sabi na naman ni Mommy.

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. But it seems something big for Mommy to cry this way.

"Ano? Ikinahihiya mo na ang anak mo sa babaeng gustong-gusto mo noon? Nahihiya ka dahil anak mo siya?" ulit niya sa tanong niya kanina.

"Wala itong kinalaman doon, Prestilla. Gusto ko lang pangaralan si Prescilliana ng magtino-tino naman siya. Hindi ibig sabihing pinagbibigyan natin siya ay palagi nalang siyang ganito!" pangangatwiran ni Daddy kay Mommy.

Hilaw na napahalakhak si Mommy sa kanya. "Oh, come one! Wag na tayong magmaang-maangan pa dito, Bernando! Why don't you spell it out? Malay mo, may magawa tayo diyan!" sarkastikong sabi ni Mommy kay Daddy.

Nagsisimula ng kumabog ang dibdib ko sa maaaring marinig mula sa kanya. I don't know but I have a gut that I will never like what's waiting ahead of this conversation.

"Bakit ba pilit mo pa 'yang binubuksan, Pres? Nakaraan na 'yan! Tapos kapag nasaktan ka, sisisihin mo ako?"


"Iyon na nga e! Nakaraan na 'to! But it's haunting our future, Bernando! Dahil sayo! Kung tutuusin, maliit na bagay lang sana 'to. Pero hindi ko kayang makita kang binubugahan ang anak mo kahit pwede namang pagsabihan nalang ng masinsinan. Dahil wala naman sa pamilya natin ang concern mo diba? Nasa ibang bahay kaya nawawala ang pakialam mo sa anak mo!"


"Look, gusto ko lang namang huwag mapasama ang anak natin sa mata ng ibang tao. Ano bang masama dun?"


"Anong masama? Anong masama ha? Gayong halos itakwil mo na siya? Isinumpa mo ng sana hindi siya nangyari sa ating dalawa! Siya na tanging dahilan ng pagdudugtong natin! Huwag na nga tayong maglokohan dito! I maybe a martyr for loving you who loves another, but I'm not blind! I feel and see it within you! You're still inlove with her after all these years! Pilit kong kinukumbinsi ang sarili kong sana nga, hindi na! Dahil wala ng mas masakit pa dun! Pero sa pinapakita mo ngayon, mas lalo ko lang napapatunayang tama ang hinala ko."


Parang unti-unti kong naiintindihan ang punto ni Mommy sa usapang ito. Ito ang nakaraan nila. At habang pilit ko itong iniintindi sa kabila ng wasak-wasak nitong paliwanag, parang unti-unti nalalaglag ang panga ko sa lahat. Sumasakit ang ulo ko sa kanila at sumasabay pa dito ang puso kong hindi alam kung paano pa pagkakasyahan ang nararamdaman ngayon.


Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon