Chapter 34
Poor Dream
"I just hope you're right, Cupid. Sana nga hindi ka niloloko ng asawa mo."
Sabay kaming napatingin ngayon kay Kylie na kay Eros lang nakatingin. Mapait ang ngiti niya dito. Her eyes are bloodshot like she was about to cry. At hindi nga ako nagkakamali. Dahil hindi nagtagal, bumuhos ang mga luha niya at agad siyang napahikbi habang nakatingin lang kay Eros.
Bahagya akong nahabag habang nakatingin sa kanya. At some point, I can see my self in her at that time when I'm still trying to win my husband's attention.
"I have always love you eversince I laid my eyes on you. Even when I've pursued my degree abroad, I only think about you, hoping that when I get back, you're still there for me like what we used to. Akala ko, nagbibiro ka lang nung sabihin mong kinasal ka na. At nung napatunayan ko namang totoo nga, hindi ako makapaniwala. Lalo na nung malaman kong pumayag kang ipakasal sa ganung set-up. While I was away, hoping for us, ginagawa ang lahat upang maging bagay sayong marami ng naaabot sa buhay. Marami ng napatunayan." napahikbi siya bago inilipat sa akin ang paningin.
Matalim ang tingin niya habang may luha sa mga mata.
"I have checked your wife's background. I was hoping to find her better than me so I will be better too. But I found none that could defeat me aside from her family's business. Hindi ako makapaniwalang pinagpalit mo ako sa isang taong bata na, mas pinili pang magpatali sayo ng wala pang napapatunayan. Hindi ko naman masisisi ang mga babaeng lumalapit sayo. Hindi ko lang matanggap na napunta ka sa taong... immature. Walang ibang plano sa buhay kundi ang magpatali at magpakasaya. I always thought you deserve someone better."
Napamaang ako sa kanya. Aba't... kung gusto niyang mag-confess sa harap ng marami, 'wag na siyang manira pa ng iba! Ayan na naman sila sa immature na 'yan e! Naramdaman ko ang pagkilos ni Eros sa tabi ko.
"Kylie... what are you saying? You're just one of my fling back then. Wala tayong ibang relasyong mas malalim pa dun."
"I know! Pero hindi kasi 'yan ang pinakita mo nung nasa resort tayo! You're sweeter to me than her! Kaya umasa ako!" sigaw niya at habang mabilis na bumubuhos ang luha sa mga mata. She's showing her hand gestures now to prove a point. "You're extra caring! At babae rin ako, Cupid. I assumed that maybe, somehow, you will annul your wife for me! It's not hard for you to do that!"
"I will never do that." matigas na sabi ni Eros na mas lalong nagpahikbi kay Kylie.
"Kylie, stop it!" sinaway na siya ni Jam habang nakatingin sa mga taong unti-unti ng pinapaalis ni Kliffer.
May mga tauhan siyang inutusan na isarado ang buong palapag na agad namang tumalima. May nakikiusisa na kasing nagtatrabaho sa mga media at baka mas lalo pang gumulo ang magulo na naming sitwasyon ngayon. Hindi ko na inintindi kung bakit niya nagagawang mapasunod ang mga tao dito dahil nakay Kylie ang buong atensyon ko. May binigay siya sa'king bimpo kanina na may ice para raw sa pisngi kong namamaga pero hindi ko tinanggap. Ewan ko ba dun, haler? Ice? Baka mas lalong mamaga ang pisngi ko. Tsaka ang lamig.
"No, Jam! Total ay parang wala na naman akong halaga sa buhay niya, sasabihin ko na lahat ng gusto kong sabihin!" muling sigaw ni Kylie kaya mas lalong natuon sa kanya ang paningin ko. Umiilag siya sa mga hawak ni Jam sa kanya. Masama ang tingin ni Jam sa'kin pero hindi ko na siya inalintana. "Cupid! What happened to you? Akala ko ba, ayaw mo ng mas bata sayo? And aside from she's young, she's too far from your women's preferences! Maganda lang ang family background niya, aside from that, wala na! She's nothing! That's why I can't understand why you keep on choosing her!"
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...