Chapter 18

1.1K 30 1
                                    



Chapter 18

Sinasaktan



Buong oras akong nakahalukipkip habang si Eros ang kinukunan ng mga litrato. Nakaupo lamang ako sa gilid, hinihintay matapos ang shoot niya habang panay ang tapik sa'kin ni Tess sa likod. Si JM ay naroon sa unahan at akala mo isa rin sa mga photographer kung makaporma, nakikikuha rin ng pictures. Walangya, baliw talaga.

"Ang hot talaga ng asawa mo!" tili ni Tess sa likod. "Perfect angled-jaw, thick brows, mysterious deep and dark eyes with a thick lashes, aristocratic nose, red kissable lips! My god! I'm sorry pero di ko kayang tanggalin ang mga mata sa kanya! Ang tangkad pa at ang ganda ng katawan! Damn those long, powerful legs of his! Para kang nagkakasala tuwing tinitingnan mo siya! Parang bawal siyang tingnan dahil sa kaperpektuhan niya!"

"Oo nga, darling! Ang swerte mo sa asawa mo! Ang sarap niyang agawin ah?" si Mama A na nakikisali na.

"Edi subukan niyo. Parang sinasabi niyong ang pangit ko para sa kanya ah?" nakangusong bulong ko sa kanila habang nagsasalubong ang mga kilay.

Parehong tumawa ang nasa likod ko. "Ikaw naman. Syempre oo ang sagot namin diyan, darling! Lalo na kapag bitter kami sayo! Pero dahil mabait ka naman kahit papano, sege sayo na 'yan! Lunukin mo ng buong-buo! Kiber ba namin gayong hindi nga 'yan halos namamansin kung hindi tungkol sayo!" asar ni Mama A. "Tsaka ambisyon lang namin 'yon no. Buti nakakalakad ka pa matapos ka niyang banatan?"

"Anong banatan, Mama A?" namumula ang mukhang tugon ko sa kanya.

Ngunit makahulugan niya lang akong kinindatan. "Alam na, darling! Away mag-asawa sa kama! Sa haba ng mga binti niyan, siguradong pati laman, hindi ka bibiguin." humagikhik siya.

Mas lalong namula ang mukha ko sa sinabi niya. May pa suspense-suspense pa 'yon na parang exciting talaga!


"Oo nga, Price! Ba't di pa kayo nagkaka-baby? E kung ako ang asawa niyan, baka limang bata agad ang lalabas sa isang anakan lang e! Syempre, hindi naman ako papapigil sa pangangailangan niya! Aakitin ko pa siya!"

Napapangiwi nalang ako sa pinagsasabi nila. Kung alam lang talaga nila! Mas maamo pa ang poste pagdating kay Eros!

Inirapan ko si Eros na napapatingin pa sa akin. Hawak ko ngayon ang polo shirt niyang pinatanggal kasama ng face towel na halos lukutin ko na sa pagkakahawak at panggigigil. Tumawa lamang siya bago pumormang muli. Napatingin ako sa nakaawang niyang mga labi na animo naghihintay na mahalikan. Hindi ko alam kung nilagyan nila siya ng lipstick pero ang pula talaga ng mga labi niya. Noon ko pa 'yan napapansin e. Parang mas mapula pa sa akin.

Natagpuan niya ang paningin ko kaya nama'y bumalik sa buong mukha niya ang mga mata ko. Gusto kong mag-iwas ng paningin ngunit para siyang may magnet sa katawan na kahit anong pilit ko'y bumabalik talaga sa kanya ang mga mata ko. He seems amuse of something I can't identify. Kahit pumoporma ay hindi niya napipigilan ang ngisi sa mukha. Muli akong napatingin sa mga labi niya ng bigla niya itong kagatin.

"Baby, will you hand me my towel please?" malambing na aniya habang inaabot sa akin ang kamay.

Muling namula ang buong mukha ko lalo na ng marinig ang tikhim ng karamihan sa loob ng set. May mahihinang hagikhikan pa at ungol na animo'y sila ang kinakausap ni Eros ngayon gamit ang malambing nitong tinig.

"Uy, baby daw! Baka ako 'yon?" hagikhik ni JM na nasa akin na ang paningin.

Kahit may kanya-kanyang trabahong ginagawa ay pansin ko ang tingin sa akin ng karamihan. Kinakabahan man at bahagyang nanginginig ang kamay ay tumayo ako at lumapit kay Eros para sundin ang hiling niya. Ngunit parang may ibang balak ata siya.


Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon