Chapter 45

752 19 1
                                    


Chapter 45

Priorities

Halos tulala ako sa mga nagdaang araw dahil sa narinig. Umalis rin sila noong gabing iyon, tanging si Yna lang ang naiwan dahil doon siya natulog sa condo namin. Ngunit kinabukasan nun ay bumalik si Bragi para ipagpatuloy ang nasimulan nilang kwento sa gabing nagdaan.


"Lares is guilty, you know. I think he can't face you now. But he's truly an amazing man, Price. I hope you don't misunderstood him for that."


Pilit ko siyang nginitian ng harapin. "He shouldn't be. Wala naman siyang kasalanan dun."


"Unless may hindi pa siya nasabi na mas matindi dun?" singit ni Yna habang kumakain ng fruit sprinkles. Alam niya ang nangyari dahil wala sa sariling naikwento ko 'yon sa kanya kagabi. Hindi ako makatulog. Tulala lang akong nakatitig sa mukha ng anak kong pagod na pagod matapos pagkatuwaan ng lahat.


Nagkatinginan kami ni Yna bago sabay na napatingin kay Bragi na seryoso na ngayon.


"Alam niya ang ginawa ni Kylie sayo sa resort. Nasa Pilipinas siya ng mga oras na 'yon para sundan ito. Bumalik rin agad matapos makitang masaya ito habang kasama ang asawa mo," aniya na mas lalong nagpatulala sa'kin.


"Alam niya ang nangyari sa Cebu noon pero hindi man lang niya ito pinigilan? The heck?" ismid ni Yna.


"Hindi niya alam na mag-asawa kayo. Ang alam lang niya, si Cupid ang taong tinutukoy ni Kyza na mahal niya kaya umuwi rin siya agad dito. Sa'kin niya nalaman na asawa mo 'yon." ani Bragi habang mariing nakatitig sa'kin. He sighed. "He's guilty after knowing who you are. He's often with me because he wants to know you. After knowing that you're pregnant, he's more guilty. Feeling niya si Kylie ang dahilan kaya kayo naghiwalay ng asawa mo. At..." napatingin siya sa pintong bumukas kung saan lumabas si Mommy kasama si Baby Belle na umiiyak ngayon. "at kung bakit nawalan ng ama si Belle."



Ako naman ang napabuntong-hininga. Tumayo na muna ako para kunin ang damit kong gamit tuwing nagpapadede bago muling lumabas ng kwarto para kunin si Belle kay Mama na patuloy ang pag-iyak.


"Hush, baby. Mama's here..." tumigil naman ito sa pag-iyak. Napatingin ako kay Bragi at Yna na parehong nakatingin sa'kin ngayon.



"Kawawang bata. Babaero ang ama." ani Yna bago napabuntong-hininga.



"I agree. It's not Lares' fault. If a man is truly faithful to his wife, he couldn't make you feel less or even jealous. Kung nadala siya ng babae, ibig sabihin, hindi ka niya mahal," sabi naman ni Bragi na sa'kin nakatingin.


Napalunok ako dahil tama naman siya. Kung talagang mahal ka ng lalaki, hindi siya gagawa ng isang bagay na maaari niyong ikasira. Pero nauna niya itong ginawa kay Kylie. Sinira niya ang pagsasama namin noon dahil kay Kylie. Ngayon hindi ko na alam. At natatakot akong babae parin ito. Lalo na tuwing naaalala ko ang sinabi sa akin ni Lucy noon.


Jealousy is normal, for me. Normal na makaramdam ka ng selos kapag mahal mo ang isang tao. Lalong-lalo na kung hindi ka sigurado sa nararamdaman niya para sayo. Normal ang magselos. Hindi lang 'yon nagiging normal kung sumusobra na.


"Kung bakit naman kasi ang daming asshole na mga lalaki! Sarap nilang ipatapon sa bermuda triangle ng maglaho sila ng tuluyan!"



"Bakit? Asshole din ba 'yong lalaki mo?" tanong ko kay Yna, sinusubukang ibahin ang usapan habang inaayos ang anak sa dibdib ko.


Dahil kahit anong gawin ko, nakaraan na ang lahat. Wala ng magbabago dun. At ang relasyon namin ni Eros noon, ay mananatili naring ganoon. Kung sila man ang magkatuluyan ngayon, buhay na nila 'yon. Hindi na dapat ako makialam pa gaya ng kung paanong... ayokong pakialaman nila ang buhay ko noon. Lalo na ngayon.


Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon