Chapter 46
Date
Imbes na dumiretso sa botique ni Yna, nandito kami sa isang cafe ni Kliffer ngayon para pag-usapan ang sinasabi niya. May nagseserve na waitress sa aming harap na nakita ko pang malanding kinindatan ni Kliffer pero wala akong pakialam. Wala rin akong ganang saluhan siya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero kinakabahan ako. Baka sabihin niya kay Eros... o alam na ba nito?
"Alam ba ni Eros ang tungkol dun?"
"Hindi. Don't worry. Kung alam niya, baka matagal na 'yong nagkumahog papalapit sayo."
I can't help but shoot him my deadliest glare while he's smirking at me. Pinaglalaruan lang ata ako nito e. Bakit ba ako ginugulo ng taong 'to?
"Pano mo nalaman?"
"Well, I have my ways," kibit-balikat niya.
"Paanong way? Pati sa Netherlands? 'Wag mo nga akong niloloko, Kliffer!"
"Hindi kita niloloko, Price. Infact, seryoso ako sayo. Kailangan kita." seryosong aniya.
Napabuntong-hininga ako at bahagyang kinalma ang sarili. If he'll promise that he won't tell it to anyone, what choice do I have? Ayokong magulo ang buhay namin ng anak ko. Gusto ko ng mapayapang buhay, sana naman ngayon maibibigay na 'yon.
"Ano bang kailangan mo sa'kin?" tanong ko nalang.
He leaned against the table after hearing my question, bahagyang naging interesado.
"I just want you to be my date tonight. That's all!" he said it like it's not a big deal. Well, for him! Para sa'kin, malaking bagay 'yon!
Gusto kong kilabutan sa kakaibang ngisi niya. Para bang inosente namang tingnan pero may masamang binabalak.
"Bakit? Sa'n ba ang punta mo?"
"Birthday ng isang kaibigan ko. Lahat ng nandoon, kung hindi kasal, may karelasyon naman. Ako lang ang wala. Hindi ka ba naaawa sa'kin?"
"E bakit mo pa tinaboy 'yong dalawang kasama mo kung kailangan mo pala ng date? Tsaka alam mong may... a-anak ako, bakit ako pa?"
"Bakit hindi ikaw? Mas maganda ka sa kanila." aniya bago napatingin sa dibdib ko. "Tsaka hindi halatang may anak ka na. Siguradong maraming maiinggit sa'kin."
Sa huli, wala rin akong nagawa kundi umuo sa kanya. Wala akong kawala. Baka ipagsabi niya pa kapag hindi ako pumayag. Hindi ko gaanong kilala ang taong 'yon dahil kahit kailan, hindi naman pormal na ipinakilala ni Eros sa kaniya. Nagkakilala lang naman kami ng minsan akong ma-corner sa kaparehong mall na kinalalagyan namin ngayon.
Walangya. Malas ata ako lagi dito e. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana mas pinili ko nalang ang manatili sa bahay! Sana nanatili nalang ako sa tabi ng anak ko! Tahimik sana ang buhay ko ngayon!
"Oh my god!" ani Yna at agad natutop ang labi ng makita ang pagpasok ko sa opisina niya. Napatayo siya habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa akin. "Oh my god, Price! Ikaw ba talaga 'yan? Nakauwi na kayo?"
Gusto kong matuwa sa reaksyon niya. Ito ang inaabangan ko sa araw na ito. Kung hindi lang ako dinapuan ng malas ay baka nagsisigaw narin ako payakap sa kanya.
Pabuntong-hininga akong naupo sa upuang nasa harap ng lamesa niya.
"Ba't busangot ang mukha mo? Nababadtrip kang nandito na kayo? Ayaw mo bang makita ang asawa mo?" nakangising tukso ni Yna bago unti-unting naupo muli sa swivel chair niya.
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...