Chapter 57
Galit
Hapon na kami nakaalis kaya hindi na kataka-takang gabi na kami nakaabot sa airport ng Puerto Prinsesa City, Palawan. Mula roon ay mahigit kumulang tatlong oras pa kaming bumyahe bago tuluyang makarating sa resthouse na tinutukoy ni Eros.
It's a modern-looking resthouse in Port Barton. Sa laki nito ay para na itong mansion na halos gawa sa mga babasaging bagay. Nag-iisa lang ito roong aroganteng nakatayo at nagbibigay liwanag sa gabi. Puti ang lahat ng makikita mula sa labas. Coconut trees are swaying on it's side comfortably beyond the wide ground and parking.
Pansin kong nag-iisa lang ito rito. May iilang gusali naman pero malayo at hindi masyadong kita mula rito kung hindi lang kumikinang ang mga ilaw. One look and I already guess how peaceful it's life here, embracing nothing but the beauty of nature. From the salted air to the sound of waves crashing to the shore, endlessly.
"We have plenty of resthouse all over the country, but this one's my favorite. I know how much you have learned to love beaches so I spend time renovating it this way... so you'll love this too," sabi ni Eros habang pinagmamasdan akong namamangha sa malaki at malawak nilang pag-aari sa tabi ng dagat.
Napatango-tango ako. "I love it."
Tulog na si Belle sa mga bisig niya. Wala kaming dalang yaya ni Belle dahil nandito naman ako kung busy siya. We wanna spend time with our little family. Habang kinakausap niya ang dalawang mag-asawa na hula ko'y tagapangalaga ng resthouse na ito, abala naman ang mga mata kong hagilapin sa dilim ang kagandahan ng lugar na ito.
I won't deny my love for everything that speaks nature, but beaches will always be my most loved one. Simula noong sa Hawaii, parang ginusto ko na ang lahat ng may kinalaman sa dagat. Napaka-peaceful. Parang sariwang-sariwa ang lahat at wala ka ng ibang aalahanin kundi magsaya. And that's really what I'm going to do here.
Sina Nanay Nelly at Tatay Nilo ang tagapangalaga nila rito. Naging driver daw nina Eros si Tatay Nilo noon pero ng tumanda'y ginusto nalang mamuhay ng mapayapa dito sa lugar nila kaya kinuha niya nalang itong tagapangalaga kasama ng asawa nito para kahit papaano'y may mapagkakaabalahan at kita. Sila ang naghanda sa bahay para sa pagdating namin at siyang naghanda ng masasarap na pagkain para sa hapunan namin.
Sa totoo lang ay pagod ako pero kahit papaano ay nagawa ko parin naman silang kausapin ng maayos ng mamaalam sila para makauwi na sa kanila pagkatapos kaming igiya rito.
"Malapit lang po ba ang bahay niyo? Pwede naman po kayo rito, Nay. Gabi na e," nag-aalalang sabi ko dahil kanina ko pa napapansing walang malapit a bahay o mansyon rito.
Ngumiti lang siya sa akin, ang mga kulubot niya sa mukha sa kabila ng maaliwalas na ngiti ay kitang-kita pero maganda si Nanay Nelly. Kayumanggi ang balat at matangkad, ganun narin si Tatay Nilo na halatang gwapo rin noong kabataan.
"Huwag kang mag-alala, hija. Ipapahatid kami ng asawa mo sa bahay. Hindi rin naman ganun kalayo 'yon rito. Babalik rin kami bukas para makausap itong asawa mo, at para narin magsilbing giya niyo habang narito."
Umalis nga sila at hinatid ng driver na nagdala sa amin rito. Anak pala nila ito at 'yong kotseng gamit nila ay kotseng bigay ni Eros bilang pasasalamat sa kanila at para may magagamit sila tuwing pumupunta rito. May isa pang kotse sa garahe rito na alam kong kay Eros naman.
Malalaki at malalawak ang kwarto rito, pati narin ang mga puting kama. I wash up that night but after feeling the warm and soft bed on my back, I immediately sleep beside my daughter and with Eros busy with his phone calls on the other side. Ngayon lang siya nakaakyat dito dahil kinausap niya pa ang mga taong nakabantay rito sa pribadong pag-aari nila.
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...