Chapter 32

665 20 0
                                    




Chapter 32


Tumalikod



"Bakit nandoon si Lucy sa kompanya? At parang close sila ni Mama?" tanong ko kay Eros habang ang ulo ay nasa dibdib niya.

We're both naked behind this white sheet. Tired but satisfied. His lazy stroke on my back sends tingling feeling.

Kanina ko pa ito naiisip pero ngayon ko palang nakuhang magtanong sa kanya. Nagulat ako ng makita siya dun gayong akala ko, hindi na namin siya makikita. I didn't even know her before. Kahit si Eros alam kong doon lang din sila nagkakilala sa Hawaii. Paano nangyaring nandito na siya at nagpapakilalang empleyado ng mga Sierro? Is it a coincidence? I have a bad feeling about it.

Although, ang sama-sama ko na talaga kay Lucy para pag-isipan ito. Pwede namang totoo talaga siya at malinis ang intensyon niya sa ginagawang pangangalap ng trabaho ayon sa kagustuhan niya. Pero noong una palang kasi, wala na akong magandang nararamdaman sa kanya. Idagdag mo pa 'yong mga pagkakataong nakikita ko siyang kasama si Eros... o pumupunta siya sa suite ni Eros nun sa Hawaii.


Hindi naman siya mukhang nangangailangan para magtrabaho. Hello? Nagbakasyon sa Hawaii? Plane tickets palang nun galing Pinas, ginto na ang kailangan. Hindi ko na alam.




"Her family's investing in the company. Nag-apply siya dun bilang jewellery designer na agad ring tinanggap ni Papa lalo na't malaki ang expansion ng company. Kailangan ng mas maraming reliable designers. Her sample sketch designs this day are so far, good. Nagustuhan ng board. Magaling siya."


"Really? So she's into fashion too? Why not build her own company and design her own things? Hindi naman siya mukhang mahirap para magpakabayani sa kompanya niyo." I stated dryly. Mukhang napansin ni Eros ang pait sa dulo ng boses ko kaya nama'y natigilan din siya. Mukhang naninimbang na naman sa pagsagot.


"Her degree is into business, but she said she's more interested in designing and she wants to pursue it by working with our company. Mama's impressed." kibit-balikat niya. "I don't really know, Price. But if her intentions are pure, why not give her a chance?"

Pure? Gusto kong matawa. I don't think so. Baka naman gusto ka lang nung makasama at makita araw-araw.


"And besides, baby. Alam kong hindi maganda ang impresyon mo sa kanya simula palang dun sa Hawaii. Please don't overthink about this too much. Because I don't think there's someone who can afford to surpass your position in my life now."

Kahit gusto ko pa sanang magtanong, hindi ko narin nagawa ng kainin ako ng antok kalaunan. Ang huling naalala ko lang ay ang pagbangon niya at pagsusuot sa akin ng tshirt niyang malaki gaya ng madalas niyang ginagawa tuwing bagsak ako sa kama. Paggising ko, as usual, wala na siya. Mag-isa nalang akong nakahiga sa kama.


I notice he's more busy these days. Kahit si Daddy na ang nakahawak sa kompanya namin simula nung bumalik sila, ang dami parin niyang ginagawa. Or maybe I am just too clingy for his time that even those simple gestures, pinapansin ko parin. Masyado na ba akong demanding? I shouldn't right?


Tamad akong bumangon at naghanda. As usual, pupunta ako sa bahay ng mga magulang ko ngayon at kung hindi na naman kami magkakasundo ni Daddy, gagala nalang ako.

"Nakapag-usap na ba kayo ni Hera?" biglang tanong ni Mommy habang nasa kusina kami, naghahanda ng meryenda para kay Daddy sa study.


Sinubukan ko ng pumunta dun sa taas kanina pero hindi naman ako pinapansin ni Daddy kaya bumaba nalang ako dito para tumulong.

Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon