Chapter 35

691 21 0
                                    

Chapter 35

Iisang Tao

Kinabukasan, nagising ako ng maramdamang mayroon paring nakapulupot na mga braso sa'kin. Isang bagay na hindi ko na madalas maramdaman simula ng makauwi kami dito.


Napabalikwas ako sa pagbangon at nagulat ng makita ang nakapikit na si Eros sa tabi ko. Bumaba ang tingin ko sa katawan niyang nakabalandara dahil tanging boxers lang ang suot niya. Ang ganda talaga ng katawan niya. He's lean and tall. May six pack abs siyang talaga namang napakaganda ng hulma. His chest is also very manly with it's tiny hair. Siguro dahil sa mga naging kilos ko, naalimpungatan din siya at napatingin sa'kin. Muli niya akong hinila pabalik sa kanya kaya nama'y napabagsak ako sa dibdib niya.


"Eros!" tili ko at akmang babangon na naman ng maramdaman ang mariin niyang hawak sa baywang ko. Napatingin ako sa orasan at agad nanlaki ang mga mata sa kanya. "It's already seven thirty! Papasok ka pa sa opisina!"


He just groaned and hug me more. Nakaliyad ako habang tinitingnan siya dahil sa hawak niya sa baywang ko. Hindi ako makawala sa yakap niya.


"Eros, you're already late! It's still friday! Hindi ka ba papasok ngayon?"

"It's my rest day." paos ang boses niyang sabi.


"Oh, really? Rest day?" natawa ako sa kanya. Napansin ko naman ang pagngisi niya kahit pilit na ipinipikit ang mga mata. "Oh, come on! Alam kong hindi 'yan uso sa mga tulad mo! Are you kidding me?"

"I'm not. Let's just sleep again, baby."

"Gusto mo lang ata akong makasama e. Palusot ka pa." tukso ko sa kanya.

"Bakit? Bawal na ba kitang makasama ngayon?"

Malakas akong napahalakhak sa kanya. "Ganun mo 'ko ka mahal?"

Though I know better. He's just worried after what happened yesterday.

Napabuntong-hininga nalang ako habang tinitingnan siya. Matagal siyang natulog kagabi dahil kahit nandito siya ay may tinatrabaho siya. Siguro ay dahil napaaga ang uwi niya kahapon dahil sa'kin. Idagdag mo pa ang mga issues ko. Nabalita 'yong nangyari kahapon sa mall kaya naungkat 'yong 'yong article na kumalat online tungkol sa'kin. Nagtapos ito sa post nina Kylie at Jam sa twitter na nagsasabing kasalanan nila lahat ng nangyari. Sinugod nila ako ng hindi inaalam kung totoo lahat ng iyon. Sinabi rin nilang walang katotoohan ang lahat ng mga kumalat tungkol sa akin and that they're very sorry of what happened.


Doon ako nakahinga ng maluwang. At the same time, bahagya rin akong nakonsensya dahil kahit papano ay totoo naman lahat ng kumalat na picture tungkol sa'kin at kay Steeve. Hindi nga lang sa paraan ng iniisip nila. Doon ko lang din natantong ang pangit nga naman ng nagawa ko. I modelled a lingerie with a man as a partner without thinking about it's future cause. Hindi sana ito lalaki kung wala akong asawa, pero mayroon. Nakakapagtaka lang talaga kung saan nila nakuha 'yong ibang mga picture na kumalat.


Kaliwa't kanan rin ang natatanggap na tawag ni Eros dahil pinapa-trace niya rin nga 'yong article na naninira sa'kin online habang nagtatrabaho. Aniya'y gusto niyang mawala agad 'yon ng matahimik kami.


It's weird, though. Ang sabi ng inutusan niya, mahirap i-trace kung sino mang tao ang nasa likod nito dahil sa kakaibang security na hindi basta-bastang napapasok. Maaari daw na hindi rin basta-bastang tao ang gumawa nun. Naninigurado ang gumawa nito. Pero hindi pa man naghahating gabi ng tingnan ko muli ang article, nagulat ako ng wala na ito. As in, burado na talaga lahat.


Kung sino mang tao ang may gawa nun, siguradong alam niyang pinapatugis na siya namin kaya bago pa siya mahuli, binura niya nalang ang gusto naming mawala.

Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon