Chapter 29
Home
Nakasandal lang ako sa wall ng hospital sa labas ng kwarto ni Daddy. Unti-unti ng humupa ang mga sigawan nila kaya ngayo'y tahimik na sa loob ng kwarto niya. Baka pinatulog muna siya ni Mommy or what.
I can't help but to think about his sudden outburst now. Kung ganyan siya ka galit sa'kin dahil doon, ano nalang kaya ang mga magulang ni Eros na byenan ko lang? Ano ng tingin nila sa'kin ngayon?
Sana lang hindi nila ko pinag-isipan ng masama muna. I know it's not good to look at it, in any angle. I'm not single anymore, I should try to act like one not just to please everyone but to avoid controversies. Baka isipin nilang ang katulad ko lang ang nagloloko kay Eros. Parehong makapangyarihan ang mga pamilya namin kaya syempre, fiesta parin sa media kapag ang isang hot billionaire na kagaya niya ay niloloko lang ng napangasawang spoiled brat. Napangiwi ako. Mga tao pa naman ngayon... oh my goodness. Hindi naman sa nilalahat ko pero madalas e, ang daling manghusga ng mga tao. Isang angle palang ang nakita nila, ayon at marami ng nasasabi!
Am I wrong, though? Sa pagpiling kahit papaano'y lumabas bilang modelo imbes na sarilinin nalang ang lahat. Wala naman akong pinagsisisihan. I love the spotlight. I love to pose and make everyone proud of me. 'Yong tipong hinahangaan ako ng marami, pinupuri at hindi binabalewala. I love the attention that I gain through it. 'Yong mga atensyong pinapangarap kong ibibigay din ni Eros sa akin. Mali ba ang paraan kong i-boost ang sarili nung mga panahong pakiramdam ko, wala na akong value?
At ngayong nakuha ko na ito kay Eros, wala na akong dahilan pang bumalik doon. I don't need it anymore. I only need one. His.
Napabuntong-hininga ako ng marinig ang pagtunog ng cellphone sa loob ng sling bag. Tamad ko itong kinuha mula sa loob.
"Hello?" malamyang sagot ko dito.
Wala akong nakuhang sagot mula sa kabilang linya. Ilang saglit pa bago ako makarinig ng isang malalim na buntong-hininga ng isang pamilyar na tao. My heart beat irratically thinking of this one person. Ang nag-iisang taong tanging nakakatibag sa mga desisyon ko sa buhay.
"How are you there?" Eros' baritone echoed in my ear. Agad akong napanguso sa kanya kahit hindi niya ako nakikita, tila nakahanap ng kakampi sa gitna ng gyera.
"Galit si Daddy sa'kin." agad kong sumbong sa kanya, kagat ang labi at ngayo'y parang maiiyak pa. Iniisip ko palang uli ang mga reaksyon ni daddy kanina, parang tutulo na ang mga luha kong mababaw. Muli akong napabuntong-hininga bago nagpalakad-lakad muna sa kahabaan ng hallway.
"I know."
"You know?" gulat kong tanong sa kanya.
"Your mom told me." aniya na muli ay ikinanguso ko. And here I thought he could save my ass here.
"Kung ganun, g-galit ka rin sa'kin?" nag-aalalang tanong ko. Kung pati siya ay galit nga sa akin, iba na 'yon.
I heard him chuckled over the phone. Mas lalo kong nakagat ang labi habang hinihintay ang sagot niya. My hearts' already hammering inside my chest thinking of the possibilities.
"Bakit naman ako magagalit?" he fired back.
"Dahil dun sa mga lingerie shoot ko? I don't know with you! Just get to the point, Eros!" sigaw ko na dahil nafu-frustrate na ako sa paraan ng pagsagot niya. Binibitin niya ako. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.
Rinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Kung ang sinasabi mo ay ikagagalit kong pinatawad ako ng asawa ko, then you're wrong baby. Just forget about that shoot because like you said, it's already in the past. Just don't do it again."
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...