Chapter 22
Elevator
It's already getting dark yet I can still clearly see their unbelievable expressions while looking at me. Pareho silang gulat na napatitig sa akin. Parang hindi maintindihan kung anong pinanggalingan ng tanong ko. Hello? Masyadong obvious!
Pinagkrus ko ang mga braso habang tinititigan sila, lalo na si Lucy na pangahas.
"Sagutin mo ako." mariing sabi ko sa kanya. "May gusto ka ba sa asawa ko ha?"
"W-Wala!" aniya at bahagya pang binuntutan ng halakhak ang sinabi. "What are you saying?" hindi makapaniwalang aniya.
"Eros." pinanliitan ko ng mga mata si Eros na napangisi na ngayon habang pinagmamasdan akong magalit sa kanila. "Huwag mo akong tatawanan dahil hindi ako natutuwa! Kaaayos lang natin!"
"Price," aniya at umiling-iling, natatawa ng bahagya. Hindi ko alam kung saan ang nakakatawa sa mga sinabi ko at parang tuwang-tuwa sila. "It's not what you think it is."
Sinubukan niya akong hawakan pero agad ko ring inilayo ang mga braso sa kanya. "Then, what?"
"Hindi naman ako epokrita, Mrs. Sierro, na kahit kagagaling lang sa break-up ay lalandi agad." si Lucy sa mapait na tinig.
"Lucy," saway ni Eros sa kanya.
"It's just a thank you gift for Eros. For everything. Dahil kahit papaano, hindi niya ako pinabayaan rito sa isla. I'm thankful that I've meet him. He saved my life here."
"Lucy ran away from her home after knowing that her fiancee is fooling her, Price. Muntik na siyang malunod nung isang araw. Mabuti nalang at nakita ko siya. We kind of talk often after that that's why..." naninimbang na paliwanag ni Eros sa akin. Sinubukan niyang humakbang para lumapit. Ng hindi ako umatras ay mas lalo siyang lumapit at nagpaliwanag sa akin. "I saw you in her after we set our ways apart and I'm kind of guilty. Na baka ganoon ka rin nung wala ako. I'm sorry for not telling you."
Bahagya akong kumalma. Lalo na nung makita kong nakatulala si Lucy at namumula na naman ang mga mata. And thinking that bringing it up might have affect her again make me guilty.
"I'm sorry." agad na hingi ko ng tawad.
Can they blame me though? I'm a wife, and I always get jealous with Eros' girls eversince. Pero ganun pama'y hindi na sana ako nag-isip ng masama. Kung sana ay may nagsabi. I always thought she's one of those girls who flock on Eros way even after knowing that he's married.
Eros smiled. Hinaplos niya ang mukha ko bago nilingon si Lucy. "Pero hindi na talaga kailangan, Luz." pagtukoy niya sa ibibigay nitong teddy bear.
"I insist, Cupid." malungkot nitong sabi. "Aalis narin kasi ako bukas. Hindi ko alam kung papaano kita pasasalamatan."
"Okay, then," ani Eros. Tinanggap niya ang inilahad nitong teddy bear at agad ibinigay sa akin. Napanguso ako bago nagtaas ng kilay.
"Goodnight," ngumiti si Lucy dito ngunit hindi iyon abot sa mata. Apektado parin. Tumingin siya sa akin at nagbuntong-hininga. Ngumiti ng kaunti bago nagsalita. "Sorry for bothering you both. Thank you for accompanying me here." aniya bago tumalikod.
Tahimik kaming naglakad pabalik sa hotel ni Eros. Tinitingnan ko ang teddy bear na hawak sa kamay habang dinadama ang malambot nitong anyo. It's really cute. But it's not for me and I don't think I have the right to keep it. It was for Eros.
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...