Chapter 53

876 18 0
                                    



Chapter 53

Frame


Mabigat ang paninitig ni Eros sa'kin pagkadating na pagkadating ko palang sa restaurant na tinutukoy ni Mama Hera. Hindi ko maiwasang pansinin si Belle na nasa kandungan niya at mukhang nauna ng kumain habang napapahikab. Siguro napagod sa araw niya. Sumikip ang dibdib ko at parang kinapos ako sa paghinga.



Kung kanina ay yaya ni Belle at mga bodyguards ang kasama ni Mama, ngayon ay dalawang lalaki nalang na parehong seryoso ang mukha habang nag-aabang sakin. Nag-text siya sa'kin kanina na dito ko nalang kunin si Belle dahil gusto niya pa itong makasama.




"Sorry, I'm late, Mama. Nag-usap pa kasi kami nina Mommy at daddy," sabi ko ng tumayo siya para makahalik ako. Nilingon ko si Papa na ganoon rin ang ginawa para makabati ako, seryoso ang mukha kaya mas lalo akong kinabahan.




"C'mon, baby. You need to eat before sleeping..." bulong ni Eros na alam kong para kay Belle pero narinig ko parin.



Mas lalo akong binagabag ng konsensya sa narinig mula sa kanya.


Nagdalawang-isip pa akong lumapit kay Belle na nasa kandungan niya at kasalukuyan niyang pinapakain pero sa huli ay ginawa ko parin. Lumapit ako kay Belle na bahagyang nabuhayan pagkakita sa'kin bago humalik sa pisngi niya.



"Mama! You're here! Tired!" sumbong niya habang nakanguso ang maliit na labi.



Bahagya akong napangiti sa kanya habang hinahaplos ang mukha niya. "Don't worry, baby. You'll rest now, hmm?" nag-angat ako ng tingin kay Eros pero agad ring nag-iwas ng tingin ng lamunin ako ng malalalim niyang titig.


I've expected this. Alam na ni Eros kaya ngayon, halos hindi ako makatingin sa kanya habang malalalim ang titig niya. Hindi ko kaya. Kahit hindi ko tingnan ng mabuti, alam kong maninisi siya.




Sa dalas naming mag-away noon, hindi na ako magtataka.



Dumaan muna ako sa bahay pagkauwi galing opisina para makapagbihis. I'm now wearing a floral print mini dress na medyo conservative ang cut sa harap pero backless naman pagdating sa likod. Naka-high ponytail rin ang buhok ko para hindi masyadong sagabal dahil nararamdaman ko na ang mangyayari sa dinner na 'to.




Gamit ang kabilang kamay ni Eros, humila siya ng upuan bago muling mag-angat ng tingin sa akin. "Seat."



Kinakabahang napatango ako sa kanya. "Thank you." sabi ko bago dahan-dahang naupo.



Awkward silence comes next. Kung hindi tumawag si Papa William ng isang tauhan nila para ipakuha si Belle na nahuhulog na ang mga mata ay hindi ito mababasag. Aayaw pa sana ang anak ko kung hindi pa siya tuluyang hinila ng antok.



"I can't believe you're a mother with that figure, hija. Kaya nama'y hindi ko masisisi ang mga lalaking mahumaling sayo," pagsisimula ni Mama Hera sa usapan habang nagsisimula na kaming kumain sa unang course.



Tumawa ako kahit kinakabahan sa taong katabi. "Ikaw rin naman, Mama. Hindi halatang may anak at apo na sa ganyang ganda."


Tumawa rin siya. "Naku, kung hindi ko nga nalamang may apo na ako ay baka nagtatampo parin ako kay Cupid hanggang ngayon!" aniya bago tiningnan si Cupid sa tabi ko. "Anyway, I want to hear your plans now, hijo. Ngayong alam mo ng may anak ka, magpapahabol ka parin ba ng mga babae mo o..." makahulugang ngumisi sa'kin si Mama Hera bago sa anak niya.



Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon