Chapter 54
Stop
Mommy:
Ano? Okay ka lang ba diyan, darling? I'm worried. Ginigisa ka ba? Sana sinama mo nalang talaga ako e!
Ako:
I'm fine, My. Don't wait for me at home. Kasama ko si Eros ngayon. He wants to sleep with Belle so we're here.
Habang nasa ilalim ng shower, wala akong ibang naisip kundi ang mga pangyayari ngayong araw. I'm still his wife. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon pero 'yon ang sabi niya. At hindi si Eros ang tipo ng taong nagbibiro ng ganun.
Huli na ng mapagtanto kong wala nga pala akong dalang gamit maliban sa cellphone at wallet na nasa chanel sling bag ko.
"Shit."
Nangalkal ako sa loob ng malawak niyang bathroom hanggang sa mahanap ang mga puting towel niya. Iyon ang ibinalot ko sa sarili bago lumabas para harapin siya kahit nakakahiya ang hitsura ko ngayon. I have no choice. Sana nga lang hindi niya iisiping inaakit ko na naman siya.
Saktong kalalabas niya lang mula sa walk-in-closet niya. Mukhang nakaligo na at ngayo'y nakapagbihis na ng simpleng grey t-shirt at itim na shorts. With his muscles firm and body too hot to be ignored, hindi na ako nagtatakang kahit simple ay nangingibabaw parin siya. Nag-angat siya ng tingin sa'kin at bahagyang natigilan. Kitang-kita ko kung paano niya ko hagurin ng tingin.
Mas laong humigpit ang hawak ko sa towel, natatakot na baka bigla itong matanggal lalo na't hubad ako sa ilalim nito! Dalawa ang gamit kong towel, isa sa katawan at isa sa ulo. Nakita ko ang paglunok niya bago bumalik sa akin ang paningin.
"Uh... w-wala akong damit..." nahihiyang sabi ko sa kanya habang nakaiwas ang tingin.
Biglang nagdilim ang mga mata niya bago ko marinig ag mahihina niyang mura. Tumalikod siya at muling bumalik sa loob ng walk-in-closet niya. Lumabas rin siya agad na may dalang isang puting t-shirt at... hindi ko alam kung may boxer 'yon dahil tanging puting tshirt lang ang makikita. Baka nasa loob nun.
"Here..." aniya na halos hindi ako matingnan.
Agad ko itong tinanggap habang naghahanda ng paliwanag. "Thanks. Sorry sa abala. Hindi ko naman kasi alam na ganito ang mangyayari. And I don't like sleeping without washing up."
Tumango lang siya, madilim parin ang paningin sa akin. Nakagat niya pa ang labi bago mag-iwas ng tingin at tumalikod. Akala ko matutulog na siya pero dumiretso siya sa isang lamesa kung saan naroon ang laptop niya. Baka hinihintay ako para maipakita ang kwarto ko.
Kumunot ang noo ko sa kanya. Sabi ko naman kasi na sa ibang kwarto nalang ako maliligo, iginiit niya paring dito nalang. Mukhang siya ang naligo sa ibang kwarto. Napailing nalang ako bago muling bumalik sa banyo para makapagbihis.
"What the heck?" nanlaki ang mga mata ko ng makita kung anong undies ang binigay niya. A red, lacy thong panty! A familiar one!
Naalala kong may nasuot na akong itim na kasabay kong binili nito. Wala akong dinalang ganitong undies ng umalis. Uminit ang pisngi ko habag naiisip kung bakit 'to nandito.
Wearing his big, white v-neck shirt na talaga namang umabot sa hita ko at itong panties na bigay niya, lumabas ako ng banyo at naabutan siyang nakahiga na sa kama. Pero hindi siya nakapikit. Nakaharap sa anak naming natutulog ng nakatagilid paharap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...