Chapter 59

913 19 1
                                    


Chapter 59


Worst



Pero hindi. Hindi panaginip ang lahat at nasasaksihan ko ito ngayon.


It's still two in the morning when we reach the airport of Manila. Hindi ako mapakali sa sobrang kaba habang taimtim na nagdadasal na sana'y okay lang si Mommy. Hinding-hindi ko mapapatawad si Lucy kapag may nangyaring masama sa kanya!



Nanginginig ang mga kamay ko habang halos takbuhin na ang kahabaan ng hallway kung saan dinala si Mommy at inooperahan. Walang paglagyan ang mga luha kong kanina pa tumutulo habang pilit akong inaalo ni Eros na nasa tabi ko rin ngayon.



Napatayo si Yna at Steeve habang si Daddy ay kanina pa pabalik-balik ang lakad sa hallway at nagmumura.



"I will surely kill that woman! Putangina niya! Hinding-hindi ko mapapatawad ang mananakit sayo, Prestilla!"


Mas lalo akong napahagulhol ng makita kung gaano siya kamiserable. Halatang kagagaling lang sa pag-iyak habang magulo ang buhok na palaging napapasadahan ng kamay sa inis.


"Price! Eros! Buti nakarating na kayo? Where's Belle?" tanong ni Yna habang sinusundan ng tingin ang likod namin. "Shit, don't tell me iniwan niyo ang bata sa bahay niyo? Kasalukuyan pang hinuhuli si Lucy ngayon!"



"Don't worry, Yna. Belle's under my protection. Nasa kina Mama siya ngayon. We have bodyguards there, so don't worry. How's Mama Pres?" Eros said while holding me close.



Tinitigan muna ako ni Yna bago sumagot kay Eros. "May tama siya sa tiyan at isang daplis sa balikat. She's critical because she's bleeding too much! The doctor's taking care of it, though, so d-don't worry too much..." alinlangan niyang sabi sa huling linya.



"Don't worry? How can I? My mother's critical! Oh my god! Hindi ko alam kung anong magagawa ko kay Lucy kapag may nangyaring masama sa kanya!"



"Shh. Everything's will be alright. Tutulong ako sa paghahanap kay Lucy kaya 'wag kang mag-alala ha?"



Sinamaan ko ng tingin si Eros bago napahikbi. "She's crazy for you, Eros! Kaya niya ito ginagawa ay dahil baliw na baliw siya sayo! Takot siyang magkabalikan tayo kaya siya nanggugulo!" nahampas ko ang matigas niyang dibdib habang umiiyak.





Hinila niya ako palapit sa kanya para yakapin. "I'm sorry..." he whispered guiltily.




Mas lalo lang akong napahagulhol. He's sorry yet I know, wala rin siyang kasalanan. Hindi niya kasalanang hinahabol siya. Hindi niya kasalanang maraming nababaliw sa kanya. Dahil hindi naman siguro siya nagpapaasa para habulin siya ng ganito. He didn't even take advantage of me back then even when he surely knows my feelings for him! Kusa itong ginagawa ng mga babae niya at saksi ako doon dahil ganoon din ako sa kanya!


But never did I think this way, this brutal just to have him. Lucy is crazy!




Sinong nasa tamang pag-iisip ang maghahabol sa isang lalaki gayong may-asawa na siya? Nagawa niya pa ito! Baliw talaga siya! She even make-up stories that we believed for a long time! Nagpanggap na mabait kahit may ibang pakay! Baliw talaga siya!



"Sorry to tell you this, Sweetheart, pero mabuti at hindi tinuloy ni Hailey ang pinapagawa ni Lucy sa kanya. Because for sure..." umiling-iling si Steeve, hindi matuloy-tuloy ang gustong sabihin. "I witness myself how she shoot. Kung sakali ngang sumablay 'yon, ako ang tatamaan. Magaling siyang humawak ng baril kaysa kay Lucy."



Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon