Chapter 16
Natututo
Tulala pa ako sa presensya niya ngunit kalaunan ay bahagya ring kinalma ang sarili. I don't want to look dependent again. I don't want droll over him while we're making this shoot happen.
Pero shit! Partner ko siya ngayon dito! Ang itinuturing kong panghuli at pinaka-bongga kong nakuhang offer dito sa America! Akala ko tahimik ko rin itong tatapusin tulad ng mga ginagawa ko tuwing ganito, pero paano? Gayong iniisip ko palang na lalapat ang palad niya sa akin, kinakabahan na ako ng todo! Hindi ko alam kung maiihi ako sa kaba o excitement!
It requires love, sabi ni Mama A. Kung ako lang ay magagawa ko 'yon. E paano si Eros? Paano niya magagawa 'yon kung hindi niya ako mahal?
At in the first place, bakit pa kasi siya pumayag na maging kapares ko ngayon? Kung katawan at mukha lang ang basehan, sobra pa siya sa pasado. Pero kasi... hindi siya modelo, businessman siya! Kung napipilitan lang siya, hindi naman niya kailangang pagbigyan sila. Kaya ko silang suyuin na kumuha nalang ng iba. Kaya ko namang makitungo at magpanggap na inlove tulad ng gusto nilang makuha sa shoot na ito. Hindi niya na kailangang mapilitan!
"Bakit siya ang kinuha, Mama A? Hindi modelo ang asawa ko." bulong ko kay Mama A ng mapag-isa kami.
Katatapos lang akong ayusan nina Tess at JM at binihisan ng naaayon sa tema. Puti ang suot kong string-bikini, at may suot na summer hat. Sa unang batch ay solo muna ang shoot para sa amin ni Eros at ito ang gagawin ngayong araw. Bukas ay 'yong kaming dalawa na talaga at dun ako kinakabahan habang naiiisip ang mga porma namin. Baka magmukhang naiihi ang mukha ko imbes na inaakit siya!
Forte ko ang mang-akit sa kanya kahit noon pero wala naman 'yong epekto sa kanya. Anong kaibahan ng ngayon?
"As usual, gusto nilang totoong lovers talaga ang gaganap sa ganitong collection. You know, to end up natural throughout the shoot. Tsaka kaya niyo na 'yan! Alam ko namang magaling ka at yummy naman ang asawa mo..." ngisi niyang nagpangiwi sa'kin. Yummy? Anong konek?
Nahagip ko ang mga nakangusong mukha nina Tess at JM na parehong nakatingin sa akin. Nagmaktol sila kanina ng malamang asawa ko si Eros na kinakikiligan nila ng dumating kami. Hindi raw ako nagsasabi. Ang sabi pa'y magtatampo sila hangga't hindi ko sila ipapakilala at pakikipag-kamayin kay Eros, like hello? Kahit ako'y ilang sa asawa ko ngayon.
"Ba't lahat nalang ng gwapo, hindi pwede?" rinig kong sabi nila bago bumuntong-hininga. Para pang apektadong-apektado talaga.
Para silang kambal-tukong dalawa, nagkakaisa tuwing gwapo ang pinag-uusapan. Hindi naman ako naniniwalang ngayon-ngayon lang sila nakakita ng gwapo gayong nasa modelling industry umiikot ang mga propesyon nila. Marami na silang nakakasalamuhang modelo na hindi talaga basta-basta ang tindig at kagwapuhan. Ngunit hindi rin naman maiiwasang makiramdaman ako sa kanila dahil totoo namang kakaiba ang asawa ko. Siya 'yong tipong isang tingin palang, isang shot palang, isang porma palang, sold-out na. Hindi na kailangang mag-audition pa dahil pag-aagawan agad siya.
At kung awkward na ako kaninang pinakikiramdaman palang ang presensya niya sa paligid, mas lalo naman ngayong nakatingin siya habang kinukuhanan ako ng litrato! Nakapangalumbaba pa siya habang pinagmamasdan ako, ang isang kamay ay nasa labi habang hindi nawawala ang tingin sa katawan at suot ko.
I can see burning desire in his eyes while he's roaming his eyes back and forth, glaring at the stringed bikini, pursing his lips before looking back in my eyes. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at bahagyang nanginig ang kalamnan.
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...