Chapter 52

830 19 1
                                    



Chapter 52


Loyal


Hindi ko alam paano ipapaliwanag ang lahat. Inaasahan ko namang malalaman rin nila pero hindi ang ganito kaaga!



And it's Eros' mom. Galit siya sa'kin kaya hindi ko alam kung anong dapat kong i-expect sa kanya. It's even our first encounter after years. Hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap noon.




Yna:


OMG, Bitch! Asan ka? Nandito ang Mommy ni Eros! 'Wag muna kayong pumunta!



Halos kurutin ko ang sarili ng mabasa ngayon ang text ni Yna kanina sa'kin. Ilang beses siyang nagtext na puro ganun ang laman. Bakit 'di ko napansin? Oh my god. Ano ng gagawin ko ngayon.



Nagtext muna ako kay Daddy na baka hindi ako makapasok ngayon dahil may emergency bago tiningnan ang ibang messages na naroon.



Wendy:

Price, nakausap mo na daw ba si Mr. Sierro? Nagdadalawang-isip pumasok 'yong dalawa e. Baka daw hindi na pwede.




Ako:



Tapos na, Wends. Sabihin mong pumasok sila. Baka ako ang hindi makapasok ngayon.




Wendy:



Alright. Thanks, Price.



Wendy:



'Yong design nga pala, sisimulan na namin. But if you have yours already, syempre 'yon ang masusunod. Gusto ni Mr. Sierro na 'yong mga gusto mo raw e.




Ako:


Magme-meeting tayo tungkol diyan. Sa ngayon kasi, hindi muna ako pwede. Pakisabi sa iba. Nagpaalam na ako kay Daddy.


"Huwag niyong sisihin si Kliffer dito. Si Lucy ang narinig kong naghihinala sayo. Pinasundan ka niya and she found out this. You have a daughter," paliwanag ng Mama ni Eros sa loob ng opisina ni Yna.



Pinakuha ko muna si Belle sa yaya niya na kararating lang. Hiniling ko sa kanyang pag-usapan muna namin ang tungkol dito. Lumabas si Yna para bigyan kami ng privacy. I thank her for that.



"Si Lucy?"


Tumango siya.



"I accidentally overheard her conversation with her friend. Sa tingin ko wala din siyang planong umamin sa'min. Gusto kong magpunta sa inyo pero tingin ko galit ang Mommy mo sa'kin. Ayoko namang ipilit ang sarili ko at baka makagulo lang ako sa kanila ng daddy mo. That's why I'm here. I want to confirm it myself."




Hindi agad ako nakapagsalita. Napabuntong-hininga ako. Anong magagawa ko e nandito na 'to? I can't deny it either. She seems so sure that it's her granddaughter.


"Pagkatapos nating mag-usap noon, gusto kong magduda sayo, sa totoo lang. While you're abroad, may bali-balitang magkasama kayo ng Steeve Morgan na 'yon, 'yong modelong nali-link na karelasyon mo habang mag-asawa kayo ni Eros. Nung bumalik ka naman, si Kliffer ang nalilink na dini-date mo. I'm angry. You move on so fast while Cupid is stuck from your relationship in the past."




"That's not true," nakatungong sabi ko kahit hindi ko alam kung paniniwalaan niya ako. Paano niya nasabing apo niya si Belle kung ganun?



"Yes, I know. Sana naniwala ako sayo. But Lucy keeps insisting that you really have a relationship with Steeve Morgan. The moment I heard you're back, I investigate. Then, I realize it's not you that he's dating. It's your friend, Zarina."




Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon