Chapter 39

726 17 6
                                    



Chapter 39

Paninindigan

Ayoko siyang kausapin. 'Yan ang unang pumasok sa isip ko. Ayokong makita lang siya ay magbago na naman ang isip ko. Gusto kong panindigan ang desisyon na ito. Siya lang ang tanging nakatitibag ng mga desisyon ko sa buhay. At hindi iyon maganda.

I want to be independent. I love him independently but I am dependent for his love. And I know it's good for me anymore.

Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Yna sa gilid ko. Hindi ako lumabas. Si Mommy ang sinabihan kong pauwiin si Eros. Nasasaktan ako sa ginagawa kong ito pero kailangan. Natatakot ako. Natatakot ako sa maaaring marinig sa kanya. Natatakot ako para sa sarili ko. Dahil alam ko kung gaano ako karupok kapag siya ang pinag-uusapan. Wala akong matinong desisyon kapag siya na ang kaharap ko.

"You know what, bitch... para sa akin lang ha? If you really wanna cut the tie between you two, the least you can do is to atleast talk to him. Dahil ano mang araw, magkikita rin naman kayo. And... paano kung hindi siya papayag sa desisyon mo?"

Bahagya akong natigilan sa kakakurot sa daliri ko.

"Dati niya pa namang gusto na makalaya sa'kin, Yna. Kaya bakit hindi?"

"Dahil pwede namang totoong mahal ka na niya sa pagkakataong ito. At tulad mo, hindi basta-bastang sumusuko ang taong nagmamahal. Kaya ba't naisip mong pakakawalan ka niya agad?"

"Because his mom will never like me now. Lalo na't..." nag-iwas ako ng tingin at napabuntong-hininga nalang. "... na sagot-sagot ko siya kanina."

Hindi siya nakapagsalita agad.

"Kaya ayoko sa mahal-mahal na 'yan e. It will only complicate me more than I am right now." aniya bago naupo sa kama at tiningnan nalang akong nakatayo sa harap niya at hindi mapakali.

Mariin kong naipikit ang mga mata. Please, Eros. Just leave now. Ayokong saktan ka dahil nasasaktan rin ako. Mahal na mahal kita kaya ko ito ginagawa. Ayoko ng pahirapan pa ang mga sarili natin.

"PRICE! PLEASE TALK TO ME, BABY! MAG-USAP MUNA TAYO, PLEASE? COME ON!"

Mas lalo kong naipikit ang mga mata habang umiiling.

"Umuwi ka nalang, please..."

"I don't think uuwi 'yan hangga't hindi ka nakakausap." mariing sabi ni Yna.

Napatalikod ako sa kanya. "He needs to leave now, Yna."

"Why, Price? Are you afraid that you might bend your decision now? Now that he's here?"

Mapait akong napangiti sa tanong niya. Takot? Kung takot lang ang pag-uusapan ay matagal na akong takot sa relasyon namin. Relasyong simula palang ay hindi mabubuo kung hindi dahil sa'kin, sa mga pamimilit ko ng sarili sa kanya.

Bawat araw takot na takot ako. Dahil paano kung hindi mag-work? Paano kung hanggang papel lang talaga ako? Anong silbi nun? Magiging masaya ba ako? Hindi rin naman di ba? At oo, takot na takot ako sa bawat araw. Sa bawat araw na hindi niya ako pinapansin noon. Takot ako tuwing nakikita siyang may kasamang iba. Sa ibang hindi ako. Sa ibang nakakatawa pa siya samantalang pagdating sa akin ay laging nakakunot ang kanyang noo. Sa akin na tuwing nakikipag-away sa mga kalampungan niya para ipaglaban ang karapat ko, ginagalit siya. Samantalang ang gusto ko lang naman noon ay kahit papano ay bigyan niya ako ng respeto.

Respeto bilang asawa niya. O kahit respeto nalang sa pagpapakasal namin. Pero hindi niya ginawa. Naalala ko pa noon. Noong mga panahong galit na galit siya dahil sinugod ko siya sa bar at sinabunutan ang babae niya. Galit na galit siya. Galit na galit siyang sinaktan ko ang babaeng nakaupo sa kandungan niya samantalang ang tagal kong naghintay sa pag-uwi niya sa bahay. Naghanda ako pero walang kumain. Naghintay ako pero walang dumating.

Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon