Chapter 58
Call
Galit nga siya lalo na't hindi na siya masyadong umiimik habang pabalik kami sa sariling isla. May mga spot pa kaming hinintuan but he's just so cold that I can't concentrate! Feeling ko kasi ako ang dahilan kaya siya galit. At mukhang alam ko na kung bakit.
"Galit ka?" nakangusong tanong ko habang naninimbang sa madilim niyang anyo. Obviously, Price! Tinatanong pa ba 'yan?
"I'm trying not to," aniya bago tumalikod sa'kin para laruin si Belle na may hawak-hawak na beach ball ngayon.
I sighed. Is he jealous or something kaya siya galit? Nagseselos kay Drew? Bakit naman? Wala naman kaming ginawa ah? Nagpakilala lang naman 'yong tao. I'm just being polite.
Pero kinakabahan parin ako sa panlalamig niya. Ayokong ganito kami.
Nakauwi na kami't lahat, halos hindi niya parin ako pinapansin. Humahawak parin siya sa baywang ko pero hindi na siya nagsasalita. He said he's trying not to. He doesn't want to get angry but he is.
"Eros..." tawag ko ng tumalikod siya matapos naming patulugin si Belle na mukhang pagod na naman matapos ng mahaba niyang araw. Nakakain na siya kanina sa yate kaya okay lang. Ako ang halos hindi makakain dahil sa kaba.
"Hmm?" tanong niya na bumaling naman sa'kin pero malamig talaga.
"Galit ka e. Nagseselos ka ba dahil sa nangyari kanina?"
Nag-iwas siya ng tingin. "I'm trying not to, but I am, Price," mariing aniya bago pumasok sa bathroom. Gusto ko siyang sundan sa bathroom, pero maliban sa tapos na akong makaligo, alam kong wala akong magagawa dun kundi titigan siya ng buong magdamag at hindi nagsasawa.
I remained on the bed, wondering what could I do to atleast make him feel better. Kahit kailan ay wala akong nagustuhang iba maliban sa kanya. Sa sobrang patay na patay ko nga, nagawa ko siyang pakasalan di ba? But I also came to the point of realizing what's wrong with what I've done. The moment we both part ways... then get back with each other with the same reason, my love for him, but at that time, he had also declared his love for me that I thought would tightened our bond as married.
But we still separate for my desperate reason, to make things right. Because at the very beginning, I thought it was already wrong marrying him for my selfish reason. Mali na ipinagsiksikan ko ang sarili ko sa kanya. For me, letting him go is the best decision I've ever made. Dahil ayoko ng maging makasarili. Dahil ayoko ng magkasakitan pa kaming dalawa dahil lang sa pakikipag-siksikan ko sa sarili ko sa kanya. And partly, I also want to change others' opinion of me... that I am not childish, immature and a spotlight brat, dreamless, and someone who's hiding under my family's name and wealth.
I dreamed but it's invalid for them. Paano ko iyon ipagmamalaki gayong ganun lang kasimple ang pangarap ko sa buhay? Ang mahalin si Eros at mahalin niya rin pabalik. Hindi ba't kahit gaano ko pa ito paninindigan at ipaglaban, maling-mali ito para sa kanila?
Dahil iba ang pangarap nila at pangarap ko. Sa ganoong linya pa lang, malabo ng magkasundo kami ng mga tao. But I just want them to understand me like how I acknowledge theirs. Hindi namin ito kailangang pag-awayan. Pang-intindi lang ang hanap ko. But their judgment is what I've got instead that I sometimes wonder... do I still deserve this?
Tunog ng isang cellphone ang nagpukaw sa malalim kong pag-iisip. Umiilaw ang cellphone ni Eros na nasa bedside table. Hindi ko sana ito papansinin kaso ng matapos ang unang ring ay muli na naman itong tumunog. Belle is sleeping, it might wake her up. Thinking that it might be important, I tried to take the call.
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...