Chapter 42

705 26 8
                                    


Chapter 42 - CUPID


Magpatawad

"Tss."

Agad kong nabitawan ang frame na hawak, binalik sa drawer na pasimple ring sinarado, at bahagyang napahilot sa sintedo bago nilingon ang taong biglang pumasok sa loob ng opisina ko. It's Kylie, of course. Wala namang ibang malakas ang loob na pumasok dito ng hindi kumakatok kundi siya.

"What are you doing here?" tanong ko bago nagbuklat ng mga papeles at kunwaring nagbabasa. Tinitingnan ko siya mula sa gilid ng aking mga mata.

Hindi siya sumagot. Nakangisi lang ang mukha niya ng maupo sa upuang nasa harap ng lamesa ko. She's in her usual barbie outfit and her confidence around me is just overflowing. Palibhasa'y alam niyang hindi ko siya magagawang ipagtabuyan lalo na kapag nandiyan si Lucy na makulit rin. Nanunuyang sinulyapan niya pa ang pinaglagyan ko ng frame habang nakapatong ang dalawang kamay sa lamesa, nails are perfectly manicured in a bright pink shade and white decorations something like that, girly stuff. May naalala tuloy ako.

"Ba't mo naman tinago?" imbes na sagutin ako ay malakas ang loob siyang nagtanong.

"Ang alin?" balewala ko habang patuloy na binubuklat ang papeles na nasa harap. Wala akong naiintindihan dahil nasa kanya ang atensyon ko pero alam kong tapos ko na itong aprubahan.

"Alam ko kung anong tinago mo, Eros," patuyang tawag niya sa madalas na tawag sa akin ni Price. Napangiwi ako. "You missed her?"


Inayos ko ang pag-upo at bahagyang niluwagan ang tie na parang sumasakal sa leeg ko. I still have a meeting ahead and I'm currently waiting for it before finally calling it a day.

"Why do you care?"

"Of course, I care! Compared to Lucy, I'd rather choose the very jealous and protective Prescilliana Alhara! I don't like that witch! Don't get me wrong pero, ang sipsip!"

"But you hate Price too, right? You even shame her infront of so many people." tumalim ang tingin ko sa kanya.


Nagpeace-sign siya at binigyan ako ng pa-kyut na tingin. "Ah, that. I'm sorry for that."


"Hindi mo dapat sa akin sinasabi 'yan." napabuntong-hininga ako at ibinigay na sa kanya ang buong atensyon. I wonder what she's up to now.

"Well, I will apologize to her personally, kapag nakabalik na siya. Sayang nga hindi ko nagawa noong nandito pa e. I'm jealous, you know. And I'm just so frustrated at myself over those years of crazily following you around even when it's clear that you're not interested anymore. Minsan nga naiisip ko na baka ginayuma mo na kami e, kaya kami sunod ng sunod sayo." napahalakhak siya na para bang nakakatuwa ang sinabi niya.



"Kung wala ka ng ibang sasabihin, will you just please get out of my sight?" I said a bit rudely. Wala ako sa mood sumabay sa trip niya ngayon.


"That's a big no, Cupid. I know you're always missing her these days so I'm here to lift you up. Why don't you come with me again today? I want to shop but Jam's a bit busy..." napanguso siya.

"And you're not?"


Nakangisi siyang nagkibit-balikat. "Well, I always find time for myself. You should too. Pumapangit ka na. Baka hindi ka na magustuhan ni Price kapag nagkita kayo ulit." humagikhik pa siya na mas lalong nagpasama ng tingin ko.

"Shut up, ly."


Tumawa lang siya ng tumawa habang napapabuntong-hininga nalang ako. Hindi ko tuloy alam kung nagbibiro lang siya o totoo na ang sinasabi niya. I reach for my jawline and notices how visible my stubbles are now. I'm always lack of sleep so I'm sure my eyebags are also there, like a visible evidence of my sleepless nights at home. Naiisip ko palang ang reaksyon ni Price kapag bigla kaming nagkita uli at ganito ang itsura ko. Damn it. Will she be disgusted?


Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon