Chapter 24

899 23 0
                                    



Chapter 24


Balikat



Hindi rin nagtagal ng dumating si Steeve at sinamahan kaming magbreakfast habang hindi pa kami nangangalahati. Hindi naman siya mukhang galit sa nangyari pero hindi rin siya mukhang nasa mood ng dumating. Pormal lang siyang bumati sa amin at nakipag-usap saglit bago kumain.

"Buti naman at nakasipot ka na? Akala ko nanginginig ka pa sa kama niyo hanggang ngayon." pasimpleng sundot sa'kin ni Steeve ng maiwan kami habang nagpapababa ng pagkain pagkain pagkatapos kumain ng breakfast. Nandito kami ngayon sa shore, tahimik na nagpalakad-lakad.

Iniwan muna kami dito ni Eros matapos naming kumain kanina at mapag-usapan kung anong gagawin namin sa araw na ito. Gusto ni Steeve ng adventure na agad kong sinang-ayunan. Napag-usapan naming masarap mamasyal sa mga karatig isla dito kaso private daw madalas katulad nitong sa'min. Hindi pwedeng basta-bastang napupuntahan. Sabi ni Eros gagawan niya ng paraan. Iniwan niya kami rito at may kakausapin lang daw siya.


Bahagya akong napakamot sa ulo sa sinabi niya. "Ah, 'yon... sorry nga pala kagabi. Nakatulog ako." nag-peace sign ako sa kanya na napapailing nalang. "Bawi nalang tayo mamaya?"


"Ang sabihin mo, nagpapakasasa ka lang sa asawa mo! Bruha ka talaga."

"Inggit ka lang. Maghanap ka na rin kasi ng BABAE. Pakasal ka na! Hindi ka na bumabata uy!" tudyo ko na nginingiwian niya lang. Nagkunwari pa siyang nasusuka sa mga pinagsasabi ko. Ang arte ng bading na 'to!

Though hindi talaga siya bading dahil nagkakagusto rin naman daw siya ng babae. Meron nga raw siyang naging girlfriend noon na hiniwalayan niya rin kalaunan lalo na ng magduda siya sa sarili. Isa siyang bisexual. Nagkakagusto sa lalaki o babae. Pero dahil madalas sa lalaki siya humihirit sa pagkakapansin ko, tingin ko bading lang siya lalo na't hindi siya nahuhumaling sa beauty ko.

Haler? Bading lang at bulag ang hindi nakaka-appreciate sa beauty ko no at 'yong mga inggetera. Pati nga asawa ko ngayon, nahuhumaling na sa'kin.

"Ew. Magpapakasal lang ako kung ipapahiram mo sa'kin ang asawa mo!" aniya tsaka malakas na humalakhak.


"In your dreams, Steeve! Dadaan ka muna sa mga daliri ko! Sasabunutan kita hanggang sa magladlad ka!"

"Edi ikaw nalang aaagawin ko sa asawa mo. Mukhang mas madali 'yon. Di ba, Sweetheart?" aniya at biglang humarap sa akin. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko habang nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya.


Agad kong tinampal ang braso niya bago napalayo. Mas lalo siyang napahalakhak habang kumikindat sa'kin.

"Yucks, Steeve!"

"Yucks? Anong yucks? Masarap rin ako, Sweetheart." nanunudyong aniya habang lumalapit. Umaatras naman ako kapag humahakbang siya. Nagpapa-kyut pa siya na animong magugustuhab ko siya dahil dun.



Aaminin kong gwapo talaga si Steeve. Hindi siya ganun ka-puti, pero maganda ang kutis niya. Matangkad at maganda rin ang katawan. Matangos ang ilong, mapula ang labi at maganda ang mga malalalim at expressive niyang mga mata. Mapupungay at kung hindi ganun kahigpit ang kapit ng panty mo, malo-loosethread talaga kapag nagpapa-kyut siya ng ganito.


Hindi gaya ng mga mata ni Eros na malalalim at misteryoso ang dating sa'kin. Hindi ko masyadong mabasa pero mas lalong umaakit sa akin. Lalo na pag tinititigan niya ako. Para siyang naninitig ng deretso sa kaluluwa mo na wala kang nagagawa kung minsan kundi magsabi ng totoo dahil parang alam niya na ang lahat sa isang titig lang. Siya iyong tipong nakakawindang kung tumingin pero ang sarap mahalin. Lalo na pag mahal ka rin.

Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon