Chapter 31
Seduce
Nakangiti siya sa akin na para bang magkaibigan kami sa Hawaii. Obviously, no. Hindi ko gusto ang presensya niya noon pa man. Paano kami magiging magkaibigan? Maliban nalang kung plastik ako na hindi naman. Ayokong makipag-plastikan sa kanya. Kaya nama'y seryoso lang ang tingin ko kahit pana'y ang ngiti niya.
"Owss, magkakilala rin kayo?" tanong ni Mama Hera bago ako pinasadahan ng tingin, mula ulo hanggang paa.
Gusto kong mahiya. Kahit maayos ang tayo ko'y naging balisa parin ako sa paraan ng tingin niya. Eros' mom is an epitome of elegance and beauty. Kumbaga maliban kay Mommy, siya ang ini-idolo ko pagdating sa pagdala ng sarili. Tuwing tinitingnan ko siya noon ay wala akong ibang nararamdaman kundi paghanga sa bawat galaw at maliliit na kilos niya. I want to be like her someday. Kaya nama'y hindi ko maiwasang ma-tense tuwing nakakaharap ko siya. Tingin ko makakahanap siya ng paraan para ayawan ako kay Eros kahit wala naman siyang ibang ipinapakita noon kundi kabaitan.
"It's nice to see you again, Mrs. Sierro. Nagkakilala rin kami sa Hawaii, Madame, tulad ni Cupid." nakangiting sabi ni Lucy dito.
Hindi ko mapigilang muli siyang pasadahan ng tingin. She's wearing a dress inside her blazer. Tamang-tama para isang babaeng nasa opisina. Her boobs is slightly showing but it looks alright too. Ang sexy niyang tingnan, like usual. Ang galing niya ding dalhin ang sarili. Classy... and elegant.
"Really?" ani Mama Hera habang nasa akin ang tingin.
"Y-Yes, Mama. Kaibigan siya ni Eros. Good afternoon po." sabi ko nalang at bumati bago lumapit at bumeso sa kanya.
Napatingin ako sa paligid. Hindi ko alam na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao habang nakahinto sa gitna ng lobby. Napatingin ako kay Frederick na sumisenyas sa akin. Gusto niya ng umalis. Mukhang nai-intimidate na siya dito. Kahit ako naman. Tinanguan ko siya.
"Ah, excuse me po. May ipapasa pa po akong papeles sa itaas." magalang niyang pagpapaalam sa maayos na paraan, lalaking-lalaki ang boses tulad ng outfit niya. Kung hindi mo nga siya kilala ay baka mapagkamalan mo siyang modelo somewhere. Naalala ko tuloy si Steeve sa kanya. Kumusta na kaya 'yong baklang 'yon?
Tinanguan naman siya ni Mama kaya tumalikod narin siya. Sabay namin siyang tinanaw na papaalis.
"Who's that boy?"
"Frederick Lansaderas, Mama. An employee here." sagot ko. Hindi narin naman siya nagtanong lalo na ng makita namin kung sinong mga paparating, sina Eros at Papa William Henrietto Sierro, ang daddy ni Eros.
They're both dashing in their suit and tie as they grace the lobby like a greek gods in town. Mula dito ay kitang-kita ang pagkakapareho nila mula sa tindig hanggang sa itsura. Only that, Papa's presence is lighter in person, while Eros is intimidating. Nakuha niya kay Mama Hera. Hindi ata nila napapansing pinagtitinginan sila ng mga empleyado nila dahil seryoso silang nag-uusap. Parehong nakapamulsa ang isang kamay habang nakaakbay naman ang isang kamay ni Papa sa kanya.
Bahagya pa akong nagulat ng makita siya kahit siya naman ang sadya ko rito. Parang nagulat rin siya ng makita ako pero kita kong bahagya siyang napangisi bago bumaling sa katabi. Sila siguro ang hinihintay nina Mama kaya hindi pa sila umaalis.
Mabilis siyang naglakad palapit sa amin bago humawak sa baywang ko. Bahagya naman akong napaliyad ng maramdaman ang kamay niya sa balat ko. His warmth sends shiver down my spine.
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...