Chapter 9
Third Wheel
Mahahabang pilik-mata, makakapal na kilay na bumabagay sa kanyang malalalim na mga matang palagi akong winawala. Nakakatulala. His nose is in a perfect shape, proudly standing just in a perfect spot of his perfect face. His angled jaw is dominating as it moves when his angry as well as his broad shoulders. His perfect chest down his abs together with his steel-like hairy legs that somehow tickle mine as it clinged to mine below.
His hair is a bit messy yet he looks perfectly fine. Pansin kong humahaba na nga ito simula nung magpagupit siya para sa kasal namin. Ngunit hindi ito naging hadlang para kahit papaano'y pumangit man lang siya. Parang wala lang. Parang kahit kailan at kahit anong angulo ay bagay sa kanya. Wala kang mapupuna.
Sinong hindi maiinlove sa ganito ka gwapong tao? He's a sinner ngunit sino bang hindi? Perpekto siya sa paningin ko.
At nakakataba sa pusong makatabi siya ngayong gabi sa pagtulog. For the first time! Naramdaman ko ring hindi ako nag-iisa. Na may asawa akong tao, minamahal ko, at hinihintay na mahalin rin ako.
Natutuwa ako na mapagmasdan siya ng ganito. Malapit at hindi limitado ang oras. Hindi gaya sa bahay na para akong nagnanakaw habang pumupuslit sa kwarto niya. Every pain is worth it. Makapiling ko lang siya ng ganito.
Nakatulog ako ng mahimbing at may ngiti sa labi habang niyayakap siya. Pansin ko kaninang hindi na siya nagrereklamo tuwing humahawak ako. Kahit di ko parin maiwasang sumimangot habang kumakain kami ng tanghalian kanina kasama 'yong ingratang babaeng kung makaaligid sa amin ay tila lawin ang mga mata. Kunwari ini-introduce niya 'yong resort kay Eros na nalaman kong nag-invest nga dito.
Totoong maganda nga ang pagkakagawa nito. Kahapon ng hapon habang naglilibot kami ay hindi ko maiwasang mamangha. There's an infinity pool and jacuzzi somewhere here. May massage theraphy rin silang ino-offer rito at maraming sea activities like scuba-diving, island hopping, snorkeling and the likes. It's a perfect place to relax. Hindi ko nga lang maiwasang ma-tense sa mga ikinikilos niyang tila bantay-salakay. Malingat lang ako'y nakakapit na kay Eros. Jusko! Alam na!
"Wake up, sleepyhead..."
I groaned and embrace the soft pillow beside me. Medyo matagal akong nakatulog kagabi kaya nama'y bagsak na bagsak pa sa kama ang katawan ko ng mag-umaga.
"Hey, it's time for breakfast now. Gumising ka na kung ayaw mong si Jam sa kasamahin kong kumain."
Agad akong napabangon ng marinig ang pangalan ng ingrata. No way!
Namumungay ang mga matang napatingin ako kay Eros na ngayo'y nakatayo na sa paanan ng kama habang nakangisi sa akin.
"Good morning, baby..." I eyed him from head to toe. He's wearing a grey shirt and a black shorts that suits his legs well. His hair is wet so I think katatapos niya lang mag-shower habang natutulog ako. I groaned more. Ready na siya habang ako'y may morning star pa sa mukha. Nakakahiya!
"Hmm. Get up now. I will wait for you at the same restaurant yesterday. I will order our breakfast while you're preparing here." aniya bago nagtaas ng kilay sa akin. "Kung ayaw mong maabutan akong may ibang kasama doon, magmadali ka dito."
Hindi pa siya nakakalabas ng pinto ng may marinig akong malanding tinig na tumatawag sa kanya sa labas. Oh, god! Ang aga-aga pa!
"Hey, there, Cupid! I have a surprise for you!"
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...