Chapter 27

757 20 1
                                    




Chapter 27



Rest



Mahigpit ang yakap niya mula sa likod ko. Nakasandal na ako ngayon sa dibdib niya habang nakapatong naman ang baba niya sa ulo ko. Muntik ko ng makalimutang nandito kami sa kahabaan ng hallway dahil sa kaginhawahan.

"But maybe you're right, baby. Pero hindi tulad ng iniisip mo. I am selfish. I don't like seeing you pose with a partner. I wanna choke every bastard paired up with you. Kung gusto mong akin ka, dapat akin ka lang din." he said it huskily from behind. His large hand caressed my stomach gently before settling under my boobs.

Kahit papano ay napangiti ako. Agad kumabog ang puso ko hindi dahil sa sakit, kundi sa kaligayahan. And just like that, okay na naman ako.

"Then I want you selfish then." bulong ko pabalik sa kanya.

"Would that be okay?"


"Hmm-mm." tumango-tango ako. "Pero sa'kin lang." I slightly chuckled. "I don't like seeing you with other girls, too."


"I know." aniya. Hindi na ako nagtaka dahil halata naman.

Ilang sandali kaming natahimik habang dinadama ang bawat isa. Malakas ang kabog ng dibdib ko na natatakot akong marinig niya ito dahil sa katahimikan. Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko sana sasagutin dahil sa nangyari pero paulit-ulit ito at walang tigil.


Napabuntong-hininga ako at kinuha ito sa loob ng aking bag. Si Mommy. Napatuwid ako sa pagkakatayo at bahagyang kumalas sa mga bisig ni Eros. I instantly missed the warmth he gave me.


"Hello, Mommy--"

"Price!" sigaw ni Mommy mula sa kabilang linya ang pumutol sa'kin.

I can feel her rush while heaving a breath deeply. Maingay sa kabilang linya kaya hindi ko siya masyadong marinig. Parang may kausap siya sa kabilang linya. Mabuti nalang at nawala naman ang ingay kalaunan.

"Mommy? Ba't ang ingay po? Na'san kayo?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Saglit na nagtagpo ang mga mata namin ni Eros pero agad akong nag-iwas ng tingin upang mas matuonan ng pansin ang sasabihin ni Mommy. His curiously looking at me, hands on my shoulder.


"I'm sorry, darling. I'm ah, I don't want to interrupt your vacation but..." rinig kong napabuntong-hininga siya.


Mas lalong kumunot ang noo ko sa kanya. "What is it, Mommy?"

"I'm at the hospital now. Inatake sa puso ang daddy mo." aniya na gumulantang sa'kin.

"What? B-Bakit? Anong nangyari?" natatarantang tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa kamay ni Eros na sumakop sa isang kamay ko at bahagyang napakalma.

"He wants to talk to you. Makakauwi ba kayo? Nandiyan ba ang asawa mo? Can you hand him your phone please?"


Agad akong napatingin kay Eros na kuryosong naghihintay lang ng reaksyon mula sa'kin. Inilahad ko sa kanya ang cellphone ko na nagpakunot sa noo niya. Napatingin siya rito at unti-unti itong tinanggap bago inilapit sa tainga. His one arm instantly snake on my waist while his eyes remain on my face.


Hindi siya nagsasalita at mukhang nakikinig lang sa sinasabi ni Mommy. Bahagyang kumunot ang noo niya, nanliliit ang mga mata sa akin na para bang may sinabi si Mommy na kasalanan ko sa kanya. Maya-maya pa'y bumuntong hininga siya bago nagsalita.

"Okay po. I will take a flight first thing in the morning." aniya at muli ay nakinig. Then he chuckled at what my Mommy said. Bahagya tuloy akong nakuryoso habang nakatitig lang sa kanya. Ano kayang pinag-uusapan nila at bakit nangingiti siya kahit ang sabi ni Mommy kanina ay inatake sa puso si Daddy?


Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon