Chapter 43

726 21 8
                                    



Chapter 43

Baby Girl

The days passed in calm, christmas came, new year, our birthdays and every special occasions that I always want to spend with him, passed quietly.

At sa bawat araw o buwang nagdaan, kapansin-pansin ang paglaki ng tiyan ko at bahagya kong pananaba. Hindi naman grabeng pananaba pero mas nagkalaman ako. Ganito rin daw si Mommy noong nagbubuntis siya sa akin lalo na't kapansin-pansin ang pagiging hilig ko sa pagkain.



Noong new year ay nasurpresa ako sa biglang pagdating ni Steeve dito sa condo. Dito daw siya magnew-new year. Ilang oras siyang natulala ng makita ang may kalakihan ko ng tiyan noon. Parang hindi siya makapaniwalang buntis ako at magagawa ko iyong itago sa kanya.



"Y-Youre pregnant? That's not pillow right?" gulantang niyang tanong habang nakaturo sa tiyan ko.


Natatawang umiling ako sa kanya. "Yes, I'm pregnant. Totoo 'to, Steeve."


"Alam ba ni Eros 'to?"


Umiling ako sa kanya. "Hiwalay na kami. Hindi niya na dapat pang malaman."




"Wow. Ang gago niya. Nambababae lang siya dun habang ikaw..."




Ganoon rin si Yna ng malaman niya. Akala niya nanti-trip lang ako sa kanya. Magkasunod lang sila ng araw ni Steeve na dumating. Bahagya pa nga silang nag-away ng magkita. Nagkakilala na sila noon at ganoon talaga sila sa isa't isa.


"I can't believe this..." hindi makapaniwalang napatitig siya sa tiyan kong malaki narin noon lalo na't ilang buwan narin. Nanginginig pa ang kamay niya ng abutin ito. Nang hindi siya makuntento, itinaas niya pa ang damit ko para personal na silipin ang tiyan ko. "It's really real..."



"Totoo nga e. Ang OA lang..." narinig kong bulong-bulong ni Steeve sa likod nito. Pati si Mommy na nanonood lang sa'min ay natatawa sa kanila. Talaga naman kasing priceless ang mga reaksyon nila.


"Oh, please, just shut up! Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko ngayon e. I feel betrayed!" nanlilisik ang mga mata ni Yna ng mag-angat ng tingin sa'kin. "You didn't tell me!"


"Sarry." nag-peace sign ako sa kanya. "Ayoko lang maraming nakakaalam kaya sana, 'wag niyo ng ipagsabi." buntong-hininga ko. Baka kasi kung saan pa makarating e.




Nang umabot ang ika-pitong buwan ko, hindi na ako halos pinapayagan ni Mommy na lumabas mag-isa sa pag-aalala. Pinahinto niya narin muna ako pagbababad online pero patuloy naman ako sa minsang pag-e-sketch. Mula sa mga engagement rings hanggang sa mga hikaw. Pinatry ko kay Daddy 'yong isang design ko na engagement ring at naging mabenta daw kaya nama'y parang na-inspire akong pag-igihan ang ginagawa. Mostly, simple lang ang desenyo pero eleganteng tingnan.



Naaalala ko tuloy ang kompanya nina Eros kung saan designer rin si Lucy. Mabenta rin kaya ang ginagawa niya? Ano-ano naman kaya? Ngunit hindi na ako magtatakang mas nangunguna parin sila sa'min lalo na't maliban sa nauna silang pagkatiwalaan ng mga tao, ibang klase rin naman kasi ang mga gawa nila. Mahusay rin si Mama Hera tumingin ng designs na papatok. Mautak naman ang mag-ama sa market.




Feeling ko ang bigat-bigat na ng katawan ko. Madalas akong napapahikab at gustong matulog nalang buong araw pero madalas ko rin itong nilalaban. Kahit papaano ay gusto kong nagpapalakad-lakad sa mga tahimik na park dito ng hindi naman ako lomobo. My breast felt fuller too. Kinakabahan ako at the same time, nae-excite sa paglabas niya. Ng baby ko.



Seducing My Own HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon