Chapter 15
Partner
Maiingay na tili nina Tess at JM ang nagpaangat ng tingin ko habang may binabasang papel na bigay ni Mama A. Nandito kami sa set ngayon kung saan isho-shoot ang isang shampoo commercial. Malalaki ang ngiti nila habang nakatingin sa dinig ko'y kararating lang na kasama namin sa shoot na ito. Nagtutulakan pa at bahagyang nagkukurutan.
"Oh my god! Oh my god! Siya nga! Mas gwapo siya sa personal!" tili ni JM.
"Grabe! Hindi ko akalaing makikita ko siya ng ganito kalapit! Ang sarap niyang titigan!" si Tess naman.
Tiningnan ko ang mga paparating na ngayo'y palapit na sa amin. Kasama nila si Mama A at tingin ko'y ipapakilala na ako nito. Bahagya akong napatikhim bago tumayo. Mukhang ito na si Steeve Morgan na tinutukoy nilang kasama ko sa shoot na ito. For men and women kasi ang shampoo na ito at ang ending, kami ang nagkakaigihan.
"Price, meet Steeve Morgan! Your handsome partner in this commercial shoot we're going to take!" pakilala nga ni Mama A sa akin. Matangkad na lalaking may matipunong pangangatawan. Totoo ngang gwapo ito at may nakakaakit na mga ngiti. Tila isang binatang magaling mambola ng kababaihan. "And baby, I mean Steeve! Meet our precious Price Alhara-Sierro! Your beautiful partner throughout the shoot! I'm sure her beauty won't make you bored. Am I right, handsome?"
Amuse na natawa si Steeve kay Mama A habang pinagmamasdan ako ng asul niyang mata. "You're quiet right, Mama A. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-gandang babae sa tanang buhay ko." bolero nitong sabi ngunit hindi ito ang dahilan kaya namilog ang mga mata ko.
"You're filipino?" manghang tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya at bahagyang tumango. "Half, honey. Nice to meet you again. It's been a long time since our bar accident. It's one of the days I can't forget since the husband of a beautiful lady I thought I could hang out just punch me straight to the face."
"Owws. So nagkakilala na pala kayo? Siya, maiwan ko muna kayo dito at may gagawin pa ako kasama ng mga direktor." paalam ni Mama A sa amin habang iniisip ko pa ang tinutukoy ng kaharap ko.
Nung una'y hindi ko pa maalala kung anong tinutukoy niya ngunit ng maalalang may sinuntok nga pala si Eros noon sa isang bar ng sunduin niya ako. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa gulat at pagkamangha.
"Oh my god! Oo nga pala, pasensya na sa nagawa ng asawa ko nun! I thought I won't be given a chance to apologized to you personally after that night because everything happens so fast!"
"It's alright, honey. Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob. Lalo na sa mga magagandang binibining kagaya mo." kinuha niya pa ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad.
Hindi ko maiwasang matawa sa kanya. Narinig ko pa ang bahagyang pagtili ng dalawang babae sa gilid namin na hindi ko nalang pinansin. Palibhasa'y parehong single e.
Madali kaming nagka-igihan na mas lalong nagpabilis sa trabaho namin. Naging magkaibigan kami ng ilang sandali lalo na't game na game sina JM at Tess pumatol sa mga pambobola nito kaya madalas kaming nagkakasama maging sa mga night out. Ngunit iyon nga... hanggang doon nalang 'yon. Alam niyang hindi ako pwede at hindi rin naman ako pumapatol sa mga pambobola niya kaya naging magkaibigan lang kami.
Isa si Steeve sa mga dahilan kung kaya't kahit papano, nalilimutan kong may dinadala akong problema. Ngunit sandali lamang iyon dahil ng matapos ang shoot namin ay kinailangan niya naring umalis para sa ibang schedule niya. He's a professional model when I thought he's an owner of a big company when I first meet him. Though, nasabi nga niyang may-ari ng kompanya ang mga magulang niya at hinahayaan pa muna siya ng mga ito dahil may kapatid naman siyang hahalili dito.
BINABASA MO ANG
Seducing My Own Husband
RomanceDo not ever compare every types of temptation. It's not always a sin, especially if it just means... seducing your own husband. *** Prescilliana 'Price' Alhara-Sierro never wanted anything aside from her husband alone. She can endure anything when i...