JEZELLE'S P.O.V.
MARAHAN kong iminulat ang mata ko at agad na bumungad sa akin ang puting kisame bago ko inilibot ang paningin ko sa paligid ko. Naamoy ko ang alcohol na humalo sa aircon ng kwarto kung nasaan ako. Napagtanto kong nasa hospital ako ngayon, sa loob ng private room.
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. Ramdam ko pa rin ang panghihina ko dahil sa hirap na pinagdaanan ko sa loob ng delivery room para mailabas ang kambal. Muntik pa akong ma-cesarean sa huling baby ko dahil ang tagal niya bago lumabas.
Nanghihina na kasi ako ng lumabas na ang unang baby ko at bumababa na ang vital sign ko kaya napagdesisyonan ni Tita Elaiza na i-cesarean ako dahil hindi niya kayang i-take risk ang buhay ko pero na kaya kong ilabas ang huli bago pa hiwain ni Tita Elaiza ang tiyan ko. Bago ako makatulog kanina ay pinahalikan nila ako sa kambal at sinabi ko rin kanila Tita Elaiza ang pangalan ng mga anak ko.
Napaungol ako dahil sobrang tuyo ng lalamunan ko at hirap makapagsalita. Naramdaman ko na may agad na lumapit sa akin.
“Finally, you're awake, Hon.”
Napalingon ako sa asawa ko at nakita ko ang nakangiting mukha niya. Hinalikan niya ako sa forehead ko kaya tipid akong ngumiti sa kanya dahil hindi ko kayang magsalita. Parang alam niya ang ang ibig sabihin ng tipid kong ngiti dahil agad siyang kumuha ng tubig. Inalalayan niya akong makaupo pero agad akong napangiwi ng makaramdaman ako ng sakit sa ibabang parte ng katawan ko.
“Careful, baka mapaano ka,” nag-aalalang sabi ng asawa ko. Agad kong ininom ang tubig dahilan para mawala ang panunuyo ng lalamunan ko.
“T-Thank you, Hon,” pasalamat ko sa asawa ko na ikinangiti niya bago tumango.
“Kumusta pakiramdam mo?” tanong niya.
“I-I'm feeling good, p-pero ramdam ko pa rin ang p-panghihina ko.”
“Salamat, dahil nakaya mong ilabas ang mga anak natin,” nakangiting sabi niya bago niya ako hinalikan ulit sa noo.
“K-Kakayanin ko ang lahat ng hirap basta mailabas ko sila, Hon,” sabi ko.
“I'm so proud of you, Sis. Nakaya mong ilabas ang mga pamangkin ko ng normal delivery,” rinig kong sabi ng pamilyar ng boses ng lalaki kaya agad akong napalingon sa kanya.
My Kuya Kambal.
Hindi lang siya ang nandito kun'di pati sina Dad, Mom, Papa, Mama, at Kate ay nandito rin. Nandito rin si Ivy.
“T-Thanks, My Kuya Kambal,” Marahan niya akong niyakap. Pagkabitaw ni Kuya Jeremy sa pagkakayakap sa akin ay sina Dad, Mom, Mama at Papa naman ang yumakap sa akin. Nang si Kate na ang yayakap sa akin ay napangiwi ako dahil bigla niya akong sinunggab ng yakap kaya naramdaman ko ang sakit sa ibaba ko.
“H-Huwag ka ngang bigla-biglang mangyayakap, Kate. Masakit pa iyong sa ibaba ko. Kumirot tuloy,” sabi ko kay Kate kaya napahiwalay siya agad sa akin.
“Sorry, Ate,” paghingi niya ng paumanhin at nag-peace sign pa sa akin.
“Nasaan na ang kambal? Gusto ko ulit silang makita, saglit ko lang silang nakita kanina dahil nakatulog ako sa pagod. Gusto ko na rin silang makarga.”
“Nasa nursery pa ang kambal. Mayamaya ay ihahatid din ng mga nurse rito ang kambal,” sagot ni Mom. Tumango naman ako.
Ilang minuto lang ay may kumatok at pumasok ang nurse na may tulak na hospital bassinet (hospital baby crib). Naramdaman ko ang paglandas ng luha ko sa pisngi ko habang nakatingin sa hospital bassinet na tulak ng nurse palapit sa akin at kung saan nakahiga ang isa sa kambal ko. Nakasunod sa kanya ang isang pang nurse na may tulak din hospital bassinet kung saan nakahiga ang isa ko pang kambal.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...