Chapter 22

180 6 1
                                    

JEZELLE'S P.O.V.

“HON?” tawag ko sa kanya na ikinatingin niya sa akin.

“Hmmm?”

"Happy birthday," nakangiting sabi ko nang maalala ko na ngayon ang kaarawan niya kung saan ito ang araw na nagkakilala kami dito rin mismo sa kinauupuan namin isang taon na ang nakakaraan.

"Thank you, Hon. Akala ko nakalimutan mo ang araw ng una nating pagkikita at makilala ang isa't isa. Hindi ko akalain na ang babaeng nakita kong mag-isang umiinom sa harding ito isang taon na ang nakakaraan ay ang babaeng magiging asawa ko at mamahalin ako higit sa mga nakarelasyon ko," nakangiting sabi ni Darrell habang nakatingin sa akin ang asul niyang mga mata kung saan nakikita ko ang pagkislap nito dahil sa pagngiti niya.

"Yeah, hindi ko rin akalain na ang lalaking bigla na lang sumulpot sa buhay ko ay ang lalaking makakasama kong bumuo ng pangarap kong sariling pamilya. At ang swerte ko kasi napunta ako sa lalaking maalaga at mahal na mahal ako," nakangiting sabi ko sa asawa ko na napangiti bago kinuha ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. “Tutal, wala pa ang chicken joy at peach mango ko. Pwede ba tayong magkwentuhan?” pag-iiba ko ng tanong na ikinakunot ng noo niya.

"Ano ang gusto mong pag-usapan natin?"

“Gusto kong malaman kung anong gusto mong gender ng baby natin?” nakangiting tanong ko sa kanya kahit alam ko kung ano ang isasagot niya.

Lalaki.

“Bakit mo naman na itanong iyan? Hindi pa nga malaki iyang tiyan mo,” nakakunot ang noong sabi niya.

“Gusto ko lang malaman. Alam ko naman na kahit ano ang maging gender ni Baby ay mamahalin pa rin natin siya,” sabi ko sabay himas ng mallit na umbok kong tiyan.

“Actually, I like a baby girl,” nakangiting sabi ng asawa ko na ikinatitig ko sa kanya at nakita ko ang kinang sa mata niya ng sabihin niya ang baby girl.

“Bakit baby girl ang gusto mo? 'Di ba, dapat baby boy para madala at mapasa niya ang apelyido mo sa susunod na henerasyon?”

“Yes, gusto ko rin naman ng anak na lalaki pero mas gusto ko kasi ang anak na babae, gusto kong maranasan ulit ang mag-alaga ng babae. 'Di ba, nasabi ko na sa ’yo na may kapatid akong babae?” Tumango ako habang nakatingin sa asawa ko na nakangiti ang mga labi habang nagsasalita.

“Ano palang nangyari sa kapatid mong si Callie? Hindi mo pa naku-kwento kong ano talagang nangyari sa kanya. Kung okay na sa 'yo na ikwento sa akin nangyari sa kapatid,” tanong ko na ikinahinga muna niya nang malalim bago nagkwento.

“She passed away five years ago. Sakit sa puso ang ikinamatay niya, sakit na niya iyon simula ng ipinanganak siya. Tinaningan na siya noon ng doctor na hindi na siya tatagal ng dalawang taon dahil sa sobrang hina ng puso niya that time kaya dinala namin siya sa ibang bansa para roon niya ipagpatuloy ang medication niya dahil doon makakasigurado kami na gagaling siya, eight years old siya that time samantalang ako ay ten years old. Lahat ginawa namin para gumaling siya, pina-heart transplant namin siya at lahat ng surgery na pwedeng magdugtong sa buhay niya ay ibinigay namin. Handa naming ubusin ang kayamanan na mayroon kami para lang gumaling siya at makasama namin nang matagal. Sobrang awang-awa ako sa kapatid ko tuwing nakikita ko siyang nahihirapan, kung pwede nga lang na ilipat sa akin iyong sakit niya, gagawin ko basta huwag ko lang siyang makitang nahihirapan.”

Umiiyak ang asawa ko habang kinukwento ang nangyari sa kapatid niya, maski ako ay umiiyak na rin. Sa pangatlong pagkakataon ay nakita ko na naman siyang umiyak hindi dahil sa akin kun'di sa pagmamahal niya sa kapatid niya.

“Iyong taning sa kanya na dalawang taon ay nagtagal pa. Umuwi na kami rito sa Pilipinas ng medyo malakas na siya. Nagtuloy-tuloy ang paggaling niya pero ilang araw pagkatapos naming i-celebrate ang eighteenth birthday niya ay bigla na lang siyang nanghina. Dinala namin siya sa hospital at ang sabi ng doctor ay bumalik ang sakit niya at mas lalong nanghina ang puso niya. Ilang araw siyang nanatili sa hospital, tuwing uuwi ako galing school didiretso agad akong hospital para dalawin siya. Dumating iyong araw na pagdating ko sa room niya...narinig kong umiyak si Mama at nang mapatingin ako sa kapatid ko...parang tumigil ang mundo ko nang makita ko siyang nire-revive at nang sabihin ng doctor na wala na siya.”

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon