Chapter 9

265 8 4
                                    

JEZELLE'S P.O.V.

DALAWANG LINGGO na ang lumipas at mas lalong naging busy si Darrell. Hindi na niya ako sinusundo sa mansyon katulad no'ng dati na kahit marami siyang ginagawa ay sinusundo niya pa ako, pero nitong makalipas na dalawang linggo ay hindi na. Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko inaasahan.

Ang dating mabilis niyang reply nagbago na. Ilang oras pa bago niya ako reply-an sa mga message ko. Hindi na niya ako tinatawagan o kahit video call man lang. Noong una wala lang sa akin dahil baka may ginagawa lang din siya. Hanggang sa dumating ang araw na ito na wala pa ring pinagbago. Tinawagan ko siya na agad naman niyang sinagot.

"Palagi ka ng busy? Why?" Saad ko sa kabilang linya. Huminga lang siya ng malalim.

"Marami kaming ginagawa. Sorry," sagot niya sa kabilang linya. Hindi na ako muling nagtanong pa at ini-end na ang call.

*****

LUMIPAS ang isang panibagong linggo ay ganoon pa rin siya. Kaya naman I tried to open his friendbook account. Hindi ko kasi ini-open noon ang account niya dahil privacy niya 'yon. Binigay niya kasi sa akin noon ang email address niya at ang password ng mga social media niya nang maging maging totoo ang relasyon namin.

Buti na lang hindi siya nag-change ng password kaya naman madali lang sa aking buksan ang friendbook account niya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ng makita at mabasa ko ang conversation nila ng ex niyang si Ivy. Nag-uusap pa rin pala sila. Hindi ko na binasa lahat dahil malaki ang tiwala ko sa kaniya. Umiyak lang ako nang umiyak at wala akong magawa.

*****

DAYS LATER...

HINDI ako nagpahalata sa kaniya na alam ko na ang lahat. Hinintay ko na lamang na siya ang magsabi sa akin ng katotohanan. Unti-unting naging cold na siya sa akin na para bang binabalewala na niya ako.

Nandito ako ngayon sa garden ng school para rito makipagkita sa kanya. Nakaupo lang ako rito sa bench habang hinihintay siya. Nang makita kong dumating na siya ay tumayo ako at sinalubong siya.

"Hon, I missed you," sabi niya sa akin at niyakap ako pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo. Hindi naman ako kumibo. Umupo na lang ulit ako sa bench at tumabi naman siya sa akin. "Hon, may problema ba?" nakakunot ang noong tanong niya.

Mayroon, ikaw. Ikaw ang problema ko.

Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang mga katagang iyan pero hindi ko masabi. Para akong nawalan ng boses para sabihin kung gaano ako nasasaktan ng makita at mabasa ko ang conversation nila ng ex niya.

"Siguro, hinihintay mo akong mapagod, 'no?" biglang saad ko saka kunwaring natawa. Hindi siya sumagot at natahimik. "Bumalik na ba siya?" tanong ko pero hindi pa rin siya sumagot. Bigla na lamang nagsituluan ang mga luha ko habang wala ni-isang hikbi ang lumabas sa bibig ko. Masakit palang umiyak nang tahimik kasi damang-dama mo 'yong sakit.

"Hinihintay mo lang ba akong sumuko para hindi masakit sa akin? Hinihintay mo lang bang ako ang unang makipaghiwalay sa atin para hindi ako masaktan? Ginagawa mo ba lahat ng 'to para sukuan kita?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya dahilan nang pagbilis ng pagdaosdos ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Sabi mo, hindi mo ipaparamdam sa aking wala lang ako sa 'yo. Sabi mo hindi mo ako babaliwalain. Sabi mo hindi ka magbabago, hindi magbabago ang trato mo sa akin. Pero anong nangyari ngayon, Hon?" sambit ko habang pinipilit kong maging maayos ang boses ko. "B-Bakit ka nag iba, Darrell?" tuluyang napapiyok na sambit ko.

Nagkatingin lamang ako sa malayo habang hinahayaan ang mga luha kong malayang nagsisilabasan galing sa mga mata ko. Bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon