JEZELLE'S P.O.V.
MONTHS LATER...
PAGMULAT ko ng mga mata ay ang gwapong mukha nang natutulog kong asawa ang unang bumungad sa akin. Agad ko siyang dinampian ng magaang halik sa labi bago tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at bumangon para pumuntang bathroom at nag-shower. After kong gawin ang morning routine ko ay bumaba na ako sa unang palapag ng mansyon para pumunta sa kusina. Agad kong nakita si Manang Elma, ang nag-alaga kay Darrell at Callie simula ng mga bata pa ang magkapatid.
“Oh, Hija, ang aga mo naman yatang magising,” sabi ni Manang Elma na magluluto na yata ng breakfast namin.
“Ako na po ang magluluto ng breakfast, Manang. At saka, hindi pa po ba kayo nasanay sa akin, simula nang ikasal kami ni Darrell ay palagi na akong gumising ng umaga para magluto ng breakfast namin,” nakangiting sabi ko habang kumukuha ng lulutuing breakfast sa ref at saka sinimulan ang pagluluto.
“Mahal mo talaga ang alaga ko. Hindi nagkamali si Darrell na ikaw ang pinili niyang mapangasawa. Ikaw lang ang babaeng nagmahal nang totoo sa kanya,” nakangiting sabi ni Manang Elma.
“Mahal na mahal ko talaga si Darrell, Manang. Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng asawang may respeto at hindi agad hinihiling na magkaanak agad kami pagkatapos naming ikasal.”
“Hindi na ako nagtatataka kung bakit hindi ka pa buntis ngayong dalawang buwan na kayong kasal. Talagang nirerespeto ka niya bilang asawa at bilang babae,” nakangiting sabi ni Manang Elma na ikinangiti ko dahil totoo naman. “Magdidilig na lang ako ng halaman sa hardin. Maiwan na kita rito, Hija.” Tumango na lang ako at mas pinagtuonan ng pansin ang niluluto ko.
Sa dalawang buwan na pagsasama namin ni Darrell bilang mag-asawa ay tinototoo niya ang sinabi niya noon na hindi niya ako pipiliting makipagtal*k sa kanya hangga't hindi pa ako handa. Mas ipinaramdam niya sa akin sa araw-araw na magkasama kami ang pagmamahal niya at pagpapahalaga niya sa akin higit sa anumang bagay na mayroon siya.
Napaigtad ako sa gulat nang maramdaman kong may biglang yumakap nang mahigpit sa akin mula sa likod at naramdaman ko rin ang pagdampi ng labi niya sa gilid ng leeg ko bago niya pinatong ang baba niya sa balikat ko na ikinangiti ko.
“Ang bango ng asawa ko,” mahinang sabi ng asawa ko na ikinangiti ko. Humarap ako sa kanya dahil tapos na rin akong magluto.
“Ikaw nga rin,” sabi ko sa asawa ko sabay halik nang mabilis sa labi niya at niyakap siya at binaon ang mukha ko sa dibdib niya.
Well, ang bango niya talaga. Gamit niya ang pabangong binili namin sa Paris. Sabi ko kasi sa kanya, dapat araw-araw niyang gamitin 'yon dahil kung hindi, hindi ko siya hahalikan. Nakasuot na rin siya ng formal attire, same kami.
“Tapos ka na bang magluto?”
“Yes. Why? Nagugutom ka na?” tanong ko bago bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Ngumiti nang malapad sa akin ang asawa ko at alam ko na ang ibig sabihin n'yon. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa dining table at pinaupo. Umupo rin siya sa tabi ko.
“Prepare our breakfast,” utos niya sa dalawang maid na kakapasok palang dito sa dining area.
“Opo, Sir Darrell,” sagot ng dalawa at nagsimula na silang kumuha ng plato at mga kubyertos.
“Ako na dapat maghahanda ng breakfast natin,” nakasimangot na sabi ko sa asawa ko na napangiti nang tumingin sa akin.
“Hindi, ayokong napapagod ang misis ko. At saka, ano bang silbi ng mga katulong nina Mama rito kung ikaw ang gagawa ng lahat? Sapat na sa akin na ikaw ang nagluto ng agahan. Masarap ka kaya magluto, lalo na kapag ikaw ang nagluto ng paborito kong Caldereta,” nakangiting sabi niya at may pagtaas-taas pa ng kilay niya.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...