JEZELLE'S P.O.V.
NAPATINGIN si Mom sa likod ko kung saan nandoon sina Jarrett at ang asawa nitong si Karylle.
“Jarrett? Kailan ka pa dumating dito sa Pilipinas?” tanong ni Mom kay Jarrett bago lumapit sa lalaki. Ako naman ay umupo sa mahabang couch dahil nangangalay na ako sa malaki kong tiyan bago marahang hinimas ang tiyan ko.
“Last month lang, Tita Hazelyn. Kasama ko ang asawa kong si Karylle,” nakangiting sagot ni Jarrett.
“I'm Karylle Dela Cruz po, Madam,” nakangiting pakilala ni Karylle sabay lahad ng kamay sa harap ni Mom.
“Hazelyn Calliego. And please don't call me 'Madam'. Tita Hazelyn na lang din,” nakangiting sabi ni Mom kay Karylle na ikinatango ni Karylle.
“Okay po, Tita Hazelyn.”
“Upo kayo. Bakit nga pala kayo nandito, Jarrett?” tanong ni Mom nang makaupo siya sa tabi ko.
“Bumibisita lang, Tita. Tagal na rin po noong huli nating pagkikita.”
“Oo nga. Nasa California kasi lahat ng business n'yo,” nakangiting sabi ni Mom.
“Jezelle, ilang buwan na 'yang tiyan mo? Ang laki na,” tanong ni Karylle na nakatingin sa tiyan ko na hinihimas ko. Kita ko ang pagkamangha sa mga mata niya.
“Seven months na,” nakangiting sabi ko na ikinakunot ng noo ni Karylle.
“Seven months? Bakit ang laki naman yata ng tiyan mo sa seven months? Parang kabuwanan mo na nga yata,” nakakunot ang noong tanong ng babae.
“Kambal kasi ang pinagbubuntis ko kaya malaki ang tiyan ko. Kambal na lalaki,” nakangiting sabi ko.
“Woaaah! Kambal?” tili niya at lumipat siya sa tabi ko.
“Yup, kambal na lalaki. Masyado na silang malikot lalong-lalo na kapag matutulog na ako ay roon pa panay ang sipa,” nakangiting sabi ko.
“Pwede bang pahimas?” tanong ni Karylle na ikinangiti ko.
“Sure,” nakangiting sagot ko bago niya nilagay ang kamay niya sa malaking tiyan ko at marahang hinimas. Napangiwi ako dahil sumipa iyong kambal. Masyado na kasing masakit ang sipa nila.
“Oo nga, malikot na sila. Kailan kaya darating ang araw na isakatuparan ng Panginoon ang hiling ko na biyayaan din kami ng anak ni Jarrett?” sabi ni Karylle na may alanganing ngiti sa labi habang nakatingin sa malaking tiyan ko at hinihimas.
“Hindi pa ba kayo nagkakaroon ng anak ni Jarrett?” nakakunot ang noong tanong ko.
“Actually, magkakaanak na dapat kami ni Jarrett after our wedding kaso maselan ang pagbubuntis ko that time at mahina ang kapit ng bata kaya nagka-miscarriage ako. After a few months, we tried again but we failed. Nagpatingin na kaming dalawa dahil baka isa lang sa amin ang may problema pero wala naman. Gustong gusto ko na magka-anak kami pero hindi naman kami mabiyayaan ulit,” malungkot na sabi ni Karylle.
“Try n'yo kayang magsimba at magdasal sa Monasterio Real de Sta. Clara de Manila. Naikwento sa akin ng Mom ko noon na hindi rin sila mabiyayaan ng anak ni Dad sa tagal ng pagsasama nila. Nabiyayaan lang sila ng anak ng magsimba at magdasal sila sa simbahang iyon. Try n'yong magsimba at magdasal sa simbahang iyon, baka sakaling mabiyayaan rin kayo. Walang mawawala kung susubukan n'yo o paniwalaan n'yo,” kwento ni Mom na ikinangiti ng mag-asawa
“Sige po, Tita. Try naming magsimba roon. Sana talaga ay magkaanak na rin kami. Gustong gusto ko na talaga ng bata sa bahay. Sana sa pagkakataon na bigyan niya kami ng anak ay hindi na Niya agad bawiin o kunin,” sabi ni Karylle at kita sa mala-tsokolateng kulay na mga mata nito ang gustuhang magkaroon ng anak.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...