Chapter 58

201 2 0
                                    

JEZELLE'S P.O.V.

HALOS ilang oras na akong nakatunganga rito sa office ko, wala akong ginagawa. Tinignan ko ang wristwatch ko at alas-kuwatro na pala ng hapon. Kailangan ko ng umuwi dahil pauwi na ang kambal galing school kaya nagpasya na akong umuwi.

Hindi ako makapag-focus sa pagda-drive ko dahil iniisip ko ang mga nangyari sa amin ni Darrell ngayon. Alam kong may kasalanan siya sa akin pero bakit nagu-guilty ako sa mga ginawa kong paninigaw sa kanya. Alam kong nasasaktan din siya sa mga ginagawa ko pero nasasakal na ako. Halos araw-araw niya akong sinusuyo, pero may ibang parte ng katawan ko na kontra sa mga ginagawa ko.

Hindi ko naman ginustong sigawan siya, pero ang kulit niya. Nakakasakal na siya. Hinding-hindi niya ako madadala sa mga panunuyo niya.

Bakit kasi ang taas ng pride ko at hinayaan kong umabot kami sa ganito? Kailangan ko na bang makipagbati sa kanya? Pero natatakot akong masaktan ulit, natatakot ako na umiyak muli ng dahil sa kanya. Baka pagpinatawad ko agad siya ay mangyari na naman nang paulit-ulit ang pananakit niya pero hindi ko kayang nakikitang nasasaktan siya nang dahil sa akin, dahil mahal na mahal ko siya.

*****

“MOMMY! Mommy! Mommy!” umiiyak na sigaw sa akin ni Keira pagbaba sa kotse ko kaya mabilis akong lumapit sa kanya. Sumalubong sa akin ang anak ko na punong-puno ng luha ang abo niyang mga mata.

“Why, baby? Is there something wrong?” nag-aalalang tanong ko at binuhat siya.

“Si Daddy,” umiiyak niyang sagot bago niyakap ako nang mahigpit. Kinabahan ako sa sinabi ng anak ko.

“Why? Anong nangyari kay Daddy?” kinakabahang tanong ko.

“Daddy leaves us,” umiiyak na sabi niya. Tila gumuho ang mundo ko sa narinig ko.

Agad kong ibinaba si Keira mula sa pagkakabuhat ko at tumakbo papasok sa loob ng mansyon. Dumiretso ako sa kwarto namin, sa walk-in closet at kaunti na lang ang mga damit niya rito.

Parang mamamatay ako. Hindi pwede! Hindi niya kami pwedeng iwan.

Akala ko magiging madali sa akin kapag lumayo na siya pero bakit ganito? Sobrang sakit! Ang t*nga ko! Bakit kasi sinigawan ko siya at pinagtabuyan? Bakit ang taas-taas ng pride ko? I hate myself. Hindi ko agad siya napatawad. Nagsisisi ako! Naging masama ang pakikitungo ko sa kanya dahil sinusuyo na niy ako para maayos ang relasyon namin.

Kinuha ko agad ang phone ko sa bulsa ko at tinawagan ang number niya. Hindi siya sumasagot, nakakailang tawag na ako pero hindi pa rin niya sinasagot. Pinadalhan ko siya ng maraming message pero hindi niya ako ni-reply-an.

Kasalanan ko itong lahat. Alam kong galit siya sa akin at syempre naiinis siya. Ako na nga iyong sinusuyo tapos pinagtabuyan ko pa siya. Ang sama-sama ko. Parang hindi ako mabubuhay kung wala siya. Parang dinudurog ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

“Darrell! Bumalik ka!” sigaw ko habang humahagulhol sa pag-iyak.

Ang sakit-sakit! Kasalanan ko ito.

“Darrell!” Biglang bumukas ang pinto na agad kong ikinalingon, akala ko si Darrell na pero hindi, si Kate.

“Ate, calm down,” suway niya sa akin pagkalapit niya at yumakap sa akin.

“Kate, iniwan na kami ni Darrell,” umiiyak na parang batang sumbong ko sa kapatid ko.

“Ate, 'di ba, ito iyong gusto mo?” sabi niya na ikinailing ko.

“I was wrong. Akala ko madali lang kapag umalis si Darrell pero hindi. Pinagsisihan ko ang ginawa ko sa kanya,” umiiyak na sabi ko dahilan para higpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon