JEZELLE'S P.O.V.
"ALAM ko na ang sagot. Bakit hindi mo siya bigyan ng pangalawang pagkakataon kung mahal mo siya? Bakit ba kasi kailangan mong sukuan kung alam mong mahal mo pa naman? Hindi masama kung bibigyan mo siya ng pangalawang pagkakataon, 'di ba? Huwag mong sayangin ang pagkakataon na ito para ibigay iyon sa kanya, Anak. Baka pagsisihan mo na hindi mo sa kanya binigay iyong sa tyansa na hinihingi niya dahil sumuko na siya. Hindi ko ito sinasabi sa 'yo para pilitan kang bigyan siya ng second chance. Ibigay mo sa kanya iyong second chance na iyon dahil alam mo rito sa puso mo na karapat-dapat siya sa pangalawang pagkakataon na iyon," mahabang sabi ni Mom.
"Mom, sa tingin n'yo po ba ay tatanggapin niya pa ako ulit pagkatapos ko siyang sabihan ng masasakit?" umiiyak kong tugon.
"Kung mahal ka niya talaga, tatanggapin ka pa rin niya pagkatapos ng mga masasakit na sinabi mo sa kanya," sambit ni Mom.
"Mom, hindi ko na alam ang gagawin ko," umiiyak kong sabi. Naramdaman kong may mga bisig na yumakap sa akin.
"Pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko sa 'yo, Khaye. Ibigay mo sa kanya kung ano sa tingin mo ang nararapat sa kanya. Pahalagahan mo ang taong hindi sumusuko na mahalin ka dahil sa mundong ito makatagpo ka man ng kamukha niya pero hindi katulad ng pagkatao niya," sabi ni Mom bago kumalas sa yakap ko. "Sige na, pahinga ka na," sabi niya bago niya ako halikan sa noo.
"Good night, Anak. Sleep well," sabi ni Mom.
"Good night, Mom," sabi ko bago siya lumabas ng kwarto ko. Nang masiguro ko nang nakaalis na si Mom ay napahinga ako ng malalim bago napatitig sa kisame. Inisip ko lahat ng napag-usapan at sinabi sa akin ni Mom.
Chances. Sabi ng iba, every person deserves a second chance to make up for their mistakes, to prove na nagbago na sila. May iba namang nagsasabi na hindi lahat dapat binibigyan ng chance, lalo na kung hindi sila nararapat para rito.
Pero paano mo nga ba malalaman kung sino ang karapat-dapat na bigyan ng isa pang pagkakataon? Pagkakataon para muling makapasok sa buhay mo. Ano nga ba ang sukatan? Paulit-ulit kong tinanong sa sarili ko 'yan simula noong gabi na humingi ng isa pang pagkakataon sa akin si Darrell para itama ang lahat ng mali niya. Para ipakitang nagbago na siya. Para maiparamdam sa akin ang pagmamahal na matagal kong hinangad.
At nasagot ko na ang tanong na iyon. Walang sukatan o batayan para muli mong bigyan ng isa pang pagkakataon ang isang tao. Bakit? Kasi paano mo malalaman na karapat-dapat siyang patawarin at papasukin sa buhay mo kung hindi mo siya bibigyan ng pagkakataon.
That's it. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. After all, chances doesn't guarantee a happy ending. It will just let people take another shot to end things right. Malay mo, sa pangalawang pagkakataon. Maging maayos na ang lahat. Dahil natuto na kayo sa pagkakamali n'yo sa nakaraan.
And you know what's ironic? The first time Darrell begged to me for an another chance to make things right. I rejected him. Saying that I don't love him anymore. Even though, iba 'yung sinasabi ng puso ko.
At ano pa bang ikakatakot ko? Sumugal ako kahit alam kong masasaktan ako. Ngayon pa ba ako matatakot? Ngayong hawak ko na ang puso niya? Ngayong ramdam na ramdam ko na ang pagmamahal niya? So I decided to take the risk. And no matter what happen, I won't regret it.
*****
KINABUKASAN...
PAGPASOK ko ng campus ay nagmamadaling lumapit sa akin si Aries. Kumunot ang noo akong tumingin sa kanya.
"Bakit madaling-madali ka, Bakla?" takang tanong ko.
"Halika, may ipapakita ako sa 'yo," sabi niya sabay hila sa akin sa gitna ng ground ng campus kung saan ay may nagkukumpulan na estudyante.
![](https://img.wattpad.com/cover/226765969-288-k596903.jpg)
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomantiekSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...