JEZELLE'S P.O.V.
KINAGABIHAN...
“HI, Hon, kumusta? Napagod ka ba? Balita ko kay Ms. Frozt ay marami kayong meeting today,” nakangiting sabi ko sa asawa ko nang makauwi siya ng mansyon at tinatanggalan ng butones ang polo niya.
“Yes, I'm tired but not for you.” Napatili ako ng bigla niya akong buhatin.
“Hon, kakarating mo lang, eh.”
“Nainom mo na ba iyong mga vitamins mo? Hindi ka ba nahihilo? O nasusuka? Baka may gusto kang kainin?” Umiling ako at nginitian lang siya.
“Tara na muna, magbihis ka at doon muna tayo sa kambal sa baba.” Umiling siya pagkatapos ay may ipinakita na paper bag. “Ano iyan?” tanong ko at natahimik na lang ako nang makita ko ang mga pregnancy test kit na binili niya.
“Tara, try natin baka mayro’n na,” nakangiting sabi ng asawa ko at kita ko sa asul niyang mga mata ang excitement. Ayokong mawala ang saya niya pero ayokong paasahin siya sa wala kapag hindi ko sinabi sa kanya ang totoo. Napabitaw ako sa kanya bago napatingin sa asul niyang mga mata.
“Ahmm, kasi ano... Nag-try na ako kanina,” tinatantyang sabi ko na malapad na ikinangiti nito na ikinabuntong-hiniga ko.
Gusto na talaga niyang magkaanak kami.
“Oh? Anong result?” tanong niya na may ngiti sa mukha. “Ano? Magiging Daddy na ba ulit ako?” excited na sabi niya na muling ikinabuntong-hininga ko.
“Hindi pa... Negative ulit.” sabi ko na ikinawala ng ngiti sa mukha ng asawa ko at napalitang ng lungkot.
“Balik na kaya tayo kay Tita Elaiza? Pwede siguro papalitan iyong mga vitamins mo? Magpa-schedule na tayo? Para ma-track din iyong fertility day mo?”
“Ahmm, sige.”
*****
KINABUKASAN...
“WALA namang problema, parehas naman kayong healthy mag-asawa at normal naman ang menstruation cycle ni Jezelle. It's all about timing lang talaga. Iwasan ang stress at panatilihin n'yo lang na malusog ang mga sarili n'yo.” Itinuro ni Tita Elaiza ang calendar sa akin.
“Jezelle, itinuro ko naman sa ’yo 'to, 'di ba? Base rito sa cycle mo, itong date na ito ang fertile days mo. Pwede kayong mag-try sa araw na iyan, saka pala kay Darrell, I suggest na magpahinga rin. Try to rest for 2 days without stress or unhealthy habits kagaya ng pag-iinom o pagpupuyat para makapag-replenish ka. For this cycle pwede kayo mag-do at this date. Then, rest for 2 days and make love at this date sa most fertile days ni Jezelle.” Napatango kaming dalawa ng asawa ko.
Pagkatapos ng check up ko ay lumabas na kami ng clinic ni Tita Elaiza. Naramdaman ko pa ang marahang pagpisil ng asawa ko sa kamay ko.
“Pwede pa tayong mag-try. Try lang nang try para sa baby girl natin.” Tipid na lang akong ngumiti pagkatapos ay sumakay na ng kotse.
*****
KAGAYA ng mga sumunod na araw ay nanatiling ganoon ang buhay namin. Wala kaming problema ni Darrell dahil lagi siyang may oras para sa aming mag-iina niya. Hindi nagkukulang sa totoo lang.
Ang totoo ang problema ay nasa akin. Hindi sa malamang dahilan pero may mga bagay akong gustong gawin pero hindi ko magawa. Masaya ako sa piling ng asawa ko...sa piling ng mga anak namin pero pakiramdam ko talaga may kulang? O baka dahil sobra akong napre-pressure na magbuntis uli kaya ganito na lang ang iniisip ko? Alam kong nag-promise ako sa kanya, pero iyon ba talaga iyong priority namin? Ang magkababy agad?
Napatingin ako sa asawa kong mahimbing na natutulog sa tabi ko. Niyakap ko siya at nagdikit ang hubad naming katawan kaya ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan niya. Ilang saglit ay naramdaman kong gumalaw si Darrell at hinapit din ako paunan sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...