Chapter 15

261 7 4
                                    

JEZELLE'S P.O.V.

MONTHS LATER...

NAPATINGIN ako sa pinto ng hotel room na inauupahan ko ngayon ng biglang bumukas iyon. Namumula ang mga mata na pumasok si Mom habang hinahagod ni Dad ang likod niya. Pinigilan ko ang mga luha ko dahil masisira ang make-up ko.

Ganito pala iyong feeling kapag nakita mo ang mga magulang mo na ganito... na alam mong masaya sila para sa 'yo pero at the same time ay nalulungkot din sila. Dahil isa sa mga anak nila... needs to fly on her own from now on. Pero alam ko na mananatili silang nasa tabi ko kahit anong mangyari...na kapag nagkaroon kami ng problema ni Darrell ay hindi nila ako iiwan, na rito lang sila.

Lumapit sa akin si Mom at niyakap ako. Nakita kong pinahid ni Dad ang mga luha sa mga mata niya. Naramdaman ko na humigpit ang yakap ni Mom sa akin bago niya ako pakawalan. Umatras siya ng bahagya at tumingin sa akin.

"Anak..." Ngumiti ako kay Mom bago tignan ang gown ko na suot ko ngayon. I look like my Mom noong kasing edad ko siya noon at ikinasal sila ni Dad na suot niya itong gown. Not actually look like kami dahil ang mukha namin ni Kuya Jeremy ay pinaghalong mukha nila. At na-in love talaga ako sa gown na ito nang mapanood ko ang video ng kasal nila ni Dad.

"Sigurado ka na ba talaga?" tanong ni Dad sa akin na nasa likod ni Mom.

"Parang pinapaatras mo ako, Dad. But yes, I'm very sure. I'm sure of Darrell," natatawang sabi ko.

Nakangiting tumango si Dad. Naramdaman ko na inalalayan niya ako palabas ng hotel room kung saan kami nandoon. Nang makarating kami sa baba sumakay kami agad sa wedding car. Nasa magkabilang side ko si Mom at Dad. Tahimik na bumiyahe kami papunta sa simbahan.

"Mom, tama na. Mamaya hindi ka na maganda sa simbahan," sabi ko.

"Maganda pa rin ako. Everlasting ang kagandahan ko," sabi niya. Tumingin si Mom kay Dad at nakangiting tumango si Dad.

Bumilis iyong tibok ng puso ko ng mapatingin ako sa labas ng bintana ng bigla kaming huminto. Sana pala sa malayo kami kumuha ng hotel room. Masyadong mabilis ang byahe. Napahinga ako ng malalim bago napangiti.

This is it. Ilang minuto na lang ay magiging Mrs. Callib Darrell Buenavilla na ako.

Lumabas si Dad at sinabing dito raw muna kami sa kotse. Tumingin ako kay Mom nang maramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko nang sumarado ang pinto ng kotse.

"I'm really happy for you, Anak. Nakakalungkot din pero alam ko na magiging masaya ka kasama siya, ang lalaking mahal mo. I know the feeling of getting married, it's like your heart will jump off your chest because of so many emotions. Hindi dahil maraming tao sa loob, hindi dahil sa ayaw mong magkamali, hindi dahil ito ang pinakaimportanteng araw sa buhay mo. Kun'di dahil alam mo na sa wakas, sa harap ng Diyos ay magiging isa na kayo ng taong mahal mo," nakangiti pero naluluhang sabi ni Mom sa akin dahilan para maramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.

"Mom..."

"I want you to know that I'm very happy. Finally, magiging masaya ka na sa taong mahal mo at mahal ka rin. What parents could ask for but their children's happiness? Pinakamasaya na naranasan ko ay ng pakasalan ko ang daddy mo, but the best day of my life is iyong dumating kayo ng kuya mo at si Kate sa buhay namin." Naiiyak na yumakap ako kay Mom. Hinagod niya iyong buhok ko at naramdaman ko na hinalikan niya sa tuktok ng ulo ko... She cleared her throat at umatras.

Bumukas iyong pinto at inalalayan ako ni Dad na bumaba, kasunod n'yon ay inalalayan niya rin si Mom. At pumwesto kami sa harap ng malaking at nakasaradong pinto ng simbahan. Humigpit ang kapit ko kay Dad ng marinig kong nag-start na ang kanta na napili namin ni Darrell. Huminga ako nang malalim.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon