JEZELLE'S P.O.V.
“HON, next month pa ang schedule ko for check-up,” sabi ko sa asawa ko nang huminto kami sa harapan ng hospital kung nasaan ang clinic ni Tita Elaiza. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago dahan-dahan na inalalayan ako pababa ng kotse.
“I know, pero gusto ko lang na ipa-check-up ka ngayon.”
“Bakit? Wala akong nararamdaman na iba o kaya naman ay masakit sa katawan ko.”
“Kahit na. Gusto ko makasiguro na walang naging epekto sa ’yo o sa mga anak natin ang mga kag*guhan na ginawa ko sa 'yo kahapon.” Napatahimik ako at napasapo sa malaking tiyan ko bago hinaplos iyon.
“Okay kami. Huwag mo na isipin 'yon, Hon. Tapos na iyon, ang mahalaga ay okay na tayo ngayon. Okay lang kami ng mga bata. Wala akong nararamdaman na masakit sa katawan ko.”
“Alam ko. Pero mas maganda na makasiguro tayo... na stress ka. Pinasama ko pa rin ang loob mo at gusto ko makasiguro na wala talagang naging epekto iyon sa inyo ng mga bata.” Napangiti ako pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay niya para magka-holding hands kami.
“Okay, Hon, kung makakampante ang loob mo kapag nagpacheck-up ako, sige. Pero after nito kain tayo, okay?”
“Kahit saan pa iyan,” sabi niya at hinawakan niya ako sa bewang at inalalayan ako papasok sa hospital. Agad kaming dumiretso sa clinic ni Tita Elaiza.
Magkahawak ang kamay namin habang pareho kaming nakatingin sa monitor kung saan nakikita namin ang paggalaw ng mga sanggol sa sinapupunan ko. Kahit ilang ulit na naming ginagawa ito ay talagang iba pa rin talaga sa pakiramdam lalo pa ngayon na mas buo na sila at mas malinaw naming nasisilayan ang mga bata.
“Healthy ang mga baby n'yo. Wala akong nakikitang problema. Maayos ang heartbeat ng mga bata at wala akong nakikita na physical abnormalities sa kanila, malakas din ang kapit ng mga bata kaya wala kayong dapat problemahin.”
“Salamat naman kung ganoon, Tita.” Napangiti si Darrell bago ako halikan sa noo.
“Pero kay Jezelle kanina sa examination niya nakita ko lang na medyo mababa ang dugo niya. Well, madalas mangyari sa buntis iyon, idagdag pa siguro iyong napupuyat dahil na rin sa hindi maiwasan ang magising sa madaling araw kapag magalaw ang babies sa loob o kaya naman kapag nananakit ang balakang dahil sa nag-aadjust ang katawan niya for last trimester pero wala namang dapat ipag-alala. Need lang na dagdagan ang vitamins mo and syempre more sleep kahit sa umaga.”
“Narinig mo 'yon, Hon, sabi ko na nga mas magpahinga ka pa,” sabi ng asawa ko na ikinairap ko at hindi ko na siya pinansin.
“And more fluids din, Jezelle, but since healthy naman ang pinagbubuntis mo, less worries naman. Oo nga pala, Darrell, kahit seven months palang ang tiyan ni Jezelle, maganda iyong naglalakad-lakad na kayo. Mas okay 'yon para sa due date niya ay hindi siya mahirapan mag-push. Medyo malaki ang mga baby n'yo, so kung normal delivery talaga ang gusto n'yo ay dapat mayroon ka na, Jezelle, na mild exercise para 'di ka mahirapan sa panganganak mo.”
“Yes, Tita, thank you po.”
*****
“MAGPAHINGA ka na muna sa kwarto, Hon. 'Di ba, sabi ni Tita Elaiza kailangan mong matulog kahit sa umaga? Hatid na kita,” nakangiting sabi ng asawa ko pagkapasok namin sa main door ng mansyon pagkatapos naming pumunta sa restaurant after check-up. Tumango ako sa kanya bago niya ako inalalayan sa pag-akyat sa hagdan dahil hindi ko na nakikita ang inaapakan ko dahil sa laki ng tiyan ko. Pumasok kami sa kwarto naming mag-asawa at natahimik ako nang makita na naiba ang kwarto namin.
“Teka? Anong nangyari sa kwarto natin?” Inilibot ko nang tingin ang kwarto namin na pinabago niya kasi ang interior na pintura pati na rin ang mga gamit namin.
BINABASA MO ANG
BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]
RomanceSelf-published under Immac Printing and Publishing House. Available at all Immac PPH online stores. ***** Buenavilla Series #1: Tears of Loving You Jezelle Khaye Calliego is known from one of the daughters of a wealthy and well-known family in the c...