Chapter 10

300 12 7
                                    

JEZELLE'S P.O.V.

PAGMULAT ng mga mata ko ay ang puting kisame ang unang bumungad sa akin. Nakaramdam rin ako ng kaunting kirot sa ulo ko kaya saglit akong napapikit bago muling iminulat ang mata ko. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko sina Mom at Dad na may pag-aalalang nakatingin sa akin. Bumangon ako, agad na kumapit sa akin si Dad para  tulungan akong makaupo sa kama.

“Jezelle, kumusta ang pakiramdam mo?” alalang tanong ni Mom nang makaupo siya sa tabi ko.

“I'm fine, Mom. Medyo nahihilo lang ako,” sagot ko.

“Sis, buti ay gising ka na,” sabi ni Kuya Jeremy na kakapasok palang ng kwarto. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

“Kuya, makayakap ka naman parang may masamang nangyari sa akin,” may kasamang pagbibiro na sabi ko. Humiwalay siya bahagya sa akin at tinignan ako sa mata.

“Pinag-alala mo kaya ako, akala ko kung ano ng nangyari sa ’yo dahil pagpasok ko ng mansyon ay bigla kang hinimatay,” sabi niya. Magsasalita na sana ako ng may pumasok na doctor dito sa kwarto.

“Anong nangyari sa anak ko? Bakit siya hinimatay?” alalang tanong ni Dad sa doctor.

“Nalipasan nang gutom ang pasyente dahilan kung bakit siya hinimatay, dumagdag din ang stress kaya nangyari ito sa kanya. Mayamaya ay makakalabas na rin siya kapag nakakain na siya at nakapagpahinga ng maayos,” sabi ni Doc.

“Salamat, Doc,” sabi ni Mom. Tumango naman ang doctor bago lumabas ng kwarto.

Umiwas ako nang tingin kay Kuya Jeremy nang tumingin siya sa akin na may pagtatanong. Alam kong kokomprontahin niya ako kung bakit nagpalipas ako nang gutom o kung bakit nakakaramdam siya na nasasaktan ako na pangkaniwan lang sa mga katulad naming magkambal na nararamdaman ang kung anong nararamdaman ng isa.

“Hindi ka naglunch? Why? Si Darrell ba ang dahilan?” seryosong tanong ni Kuya Jeremy na ikinakagat ko sa ibabang labi ko. Biglang tumulo ang luha ko ng marinig ko ang pangalan niya.

“Yes, si Darrell ang dahilan. I'm breaking up with him kanina. Naintindihan ko naman kung bakit nawalan na siya ng time sa akin kasi nga malapit na ang final exam pero iyong pagiging malamig niya sa akin at pagbabalewala niya, hindi ko na kaya. Kaya pala naging iba ang trato niya sa akin dahil mahal niya pa rin ang ex niya. Nag-uusap sila, nakita ko ang conversation nila nang buksan ko ang social media account niya. Bakit paulit-ulit na lang akong nasasaktan? Hindi ba pwedeng masaya na lang palagi?” umiiyak kong sabi. Naramdaman kong may bisig na yumakap sa akin.

“Shhh, kasama sa pagmamahal ang masaktan, Sis. Iyan ang hindi nawawala kapag nagmahal ka. Kaya nga ang sabi nila, kapag nagmahal ka, kailangan handa kang masaktan sa kung ano man ang mangyayari sa relasyon n'yo. Kapag nagmahal ka ng sobra asahan mong masasaktan ka ng higit sa inaakala mong sakit na pwede mong maranasan dahil sa minahal mo siya. May dahilan kung bakit hindi natuloy dahil hindi pa tamang oras kaya nagkahiwalay kayo,” pangaral ni Kuya Jeremy na lalong ikinatulo ng mga luha ko.

“Your Kuya Jeremy is right, Jezelle. Parte ng pagmamahal ang masaktan kahit minsan. Hindi ka naman masasaktan kung hindi ka nagmahal. Masakit kasi mahal mo ang ipinaglalaban mo at alam mong tama ang pagmamahal mo. Pagsubok pa nga lang iyan sa relasyon n'yong dalawa ni Darrell. Sa pagsubok nasusukat kung gaano mo kamahal ang isang tao. Kung kayo talaga ni Darrell ang nakatadhana sa isa't isa ay pagtatagpuin at pagtatagpuin pa rin kayo ng tadhana. Minsan kasi kailangan munang nating mapunta sa iba para malaman natin kung sino ang karapat-dapat sa pagmamahal natin. Hindi tayo sigurado na ang taong binubuhusan natin ng oras at pagmamahal ngayon ay mapapasaatin hanggang dulo.  Hindi natin alam baka bukas wala na sila o baka mamaya ay mamaalam na. Dahil hindi natin hawak ang panahon, hindi natin sigurado bukas. Wala tayong takas sa pagtatapos at wakas,” mahabang sambit ni Mom na ikinatingin ko sa kanya habang may luha sa mga mata ko.

BS1: Tears of Loving You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon